Chapter 1

7.3K 235 29
                                    


Seah = se-ya

BUMALIK ako sa suite namin at agad na hinanap si Fio. Naabutan ko itong pinagpapapalo ang isa sa mga laruan niyang dinala namin habang nakasalampak sa lupa. Si Ate Angge ay nasa gilid nito at tahimik na nagbabantay.

I sighed and walked to my son and immediately lifted him up. My heart was still beating so fast because of the encounter I just had with Rodean at the elevator! Ang buwisit na 'yon! Hanggang ngayon ay ang lakas niyang mang-inis!

Akala niya ba ay nakalimutan ko na ang itinago niya sa akin? Pinagmukha niya akong tanga noon at hindi ko pa rin iyon nakakalimutan hanggang ngayon. Alam kong may atraso ako sa kaniya katulad na lang ng hindi ko pagpapaalam sa kaniya na nabuntis niya ako, pero mas malaki pa rin ang kasalanan niya sa akin! 'Tapos ngayon, siya pa itong may ganang mang-inis?

"Naligo na ba ang baby na 'yan?" I asked Fio in a small voice.

Hindi ko naman na dapat itanong 'yon dahil unang-una, hindi naman siya sasagot at pangalawa, alam ko na ang sagot. He smelled like a baby bath soap mixed with baby powder. He looked so adorably fresh with his new, little clothes. Mas lalo lang akong nangigigil sa ka-cute-an niya dahil ang linis-linis na naman niyang tingnan.

Pinupog ko siya ng halik sa pisngi hanggang sa magsalita siya ng kung ano-anong hindi ko maintindihan. He then dropped his head on my face that earned an immediate laugh from me. His little finger repeatedly tapped my cheek until he suddenly pinched it a bit hard.

"Aw!" mahina kong daing at pabiro siyang sinimangutan.

He giggled at my reaction. Ilang sandali ko pa siyang nilaro-laro bago ko tinawagan si Mama upang ibalita sa kaniya ang napag-usapan namin ni Attorney Navarro. Mabuti't hindi naman siya nag-overreact at kalmado lang na nakipag-usap sa akin.

Magtatanghalian nang naisipan ko namang tawagan ang manager kong si Tita Deborah. As expected, she was a bit hysterical when she answered my call. I haven't called her in a week since I was busy with my supposed come back in Isla Contejo. Malamang ay pagagalitan na naman ako nito.

"Diyos ko naman, Larseah! Bakit ngayon ka lang tumawag? Alam mo bang ilang araw na akong ginugulo ng mga lintek na reporters na 'yan tungkol sa 'yo?"

Bumuntonghininga ako at nagbaba ng tingin sa pool area na tanaw rito mula sa balkonahe ng suite.

"Sorry, Tita. Inasikaso ko lang ang pagbalik ko rito sa Isla Contejo."

"O, nasa Isla Contejo ka? Kailan ka pa umalis ng Palawan?"

"Kahapon lang." Muli akong bumuntonghininga. "Anyway, I'm not updated anymore with what's happening. I haven't checked my social media accounts and even the news."

"E pa'no, kung saan-saan ka nagsususuot! Hindi ka pa makontak!"

Napahilot na lamang ako sa aking sentido sa tinis ng boses niya. Tita Deborah was already in her mid 40s and has been my manager since I entered modeling industry. I was scouted when I was 16 by the agency where Tita was working at. She was handling different artists -- be it a model, actor, actresses, etcetera.

So far, isa ako sa mga mabenta sa endorsement na na-handle niya kaya naiintindihan ko kung mas higit ang atensyon na ibinibigay niya sa akin kumpara sa iba niya pang hinahawakan. Also, the issues and rumors about me made by the stupid journalists and paparazzi over the past years just made her more concern about me.

"Busy lang, Tita. 'Tsaka alam mo naman 'yong tungkol sa mga pinagkautangan ni Mama, 'di ba? Kaya hanggang ngayon ay narito kami sa Isla Contejo."

"O e kailan ang balik mo niyan dito sa Maynila? An owner of a famous beauty product just emailed me. Tinatanong kung interesado ka raw bang maging bago nilang ambassador."

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon