Chapter 33

5.6K 212 23
                                    

R-18. If you're a minor, leave. Skip n'yo na lang ito.

BUMANGON ako mula sa pagkakahiga nang makaramdam ako ng uhaw. Napalingon ako sa orasan at nakitang alas-dose y treinta na ng madaling araw. Kanina pa akong 11:30 nakahiga ngunit hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Tumayo ako at naglakad palapit sa crib ni Fio. Sinilip ko siya roon na tahimik at mahimbing na natutulog. A smile instantly plastered on my lips at how angelic he looked like. His thick, long lashes were mesmerizing to look at and the way how his cute lips parted was beyond adorable.

I crouched to plant a soft kiss on his forehead before I decided to go out of my room. Sarado na ang lahat ng ilaw sa suite ngunit medyo napatalon pa rin ako sa gulat nang makita kong nakaupo sa couch si Rodean habang nag-i-scroll sa cellphone. Bukod sa liwanag ng cellphone niya ay mayroon din namang nakabukas na lamp shade sa may malayong sulok kaya nakita ko pa rin siya.

Napatingin siya sa gawi ko at bumakas ang bahagyang pagtataka sa mukha. Mahina akong tumikhim at humakbang na patungong mini kitchen.

"Iinom lang ako ng tubig," saad ko.

Hindi siya sumagot at sinundan lang ako ng tingin hanggang sa makarating ako sa kusina.

As usual, dito niya na naman gustong matulog ngayong gabi. Parang araw-araw na yata e. Ba't hindi na lang siya lumipat dito? Okay lang naman. Or . . . puwede naman din siyang matulog sa kuwarto ko. Hehe.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng malamig na tubig. Nagsasalin na ako sa baso nang maramdaman ko siyang lumalapit. Lumingon ako kasabay ng pagpuno ng tubig sa baso. Sumandal ako sa counter habang umiinom. Naglakad pa lalo siya papalapit.

Natigil ako sa pag-inom dahil hindi ko malaman kung saan ba siya pupunta. Nagbalak akong umatras ngunit dahil nakasandal na nga ako sa counter, wala nang maaatrasan pa. Ilang beses akong napakurap nang sukdulan na siyang lumapit hanggang sa gahibla na lang yata ang distansya sa pagitan naming dalawa.

Wala sa sarili akong napababa ng tingin sa mga labi niya ngayong ganito siya kalapit. Natural na medyo mapupula iyon at parang bang nanghahalina. Napaangat lang muli ako ng tingin sa mga mata niya nang gumilid ang mukha niya. Umawang ang mga labi ko sa pag-aakala na hahalikan niya ako ngunit tiningnan at inabot lang pala niya ang pitsel ng tubig sa likod ko!

His brow rose up as a ghost of amusement lingered on his eyes. The corners of his lips were moving up a little, but I could sense his control. Unti-unti siyang umatras at dumampot ng baso sa gilid habang hindi inaalis sa akin ang tila nanunuksong mga mata.

"Iinom din ako ng tubig," aniya.

I cleared my throat and just nodded before I turned my head to the other side. I continued drinking the water in my glass as if the coldness of it would somehow take away the heat I was feeling all over my face. I could feel my cheeks burning up because of him being this close and also because of my own embarrassment.

Sino ba naman ako para mag-assume na hahalikan niya ako? Hay naku, mukhang kailangan ko na nga yatang matulog.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang isinandal ang gilid niya sa ref habang umiinom. Ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin kaya unti-unti ulit akong napatingin sa kaniya. I was welcomed by his intense gaze and serious expression. I couldn't deny to myself that he looked so sexy while drinking and focusing his eyes only to me.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko.

Ang ine-expect ko kasi kanina ay madadatnan ko na siyang naghihilik sa couch. Kaya medyo nagulat ako kanina nang makita ko siyang nakaupo pa at gising na gising.

Inubos niya ang laman ng baso niya at inilapag ang baso sa sink bago niya ako sinagot. "Can't sleep."

Inubos ko na rin ang laman ng baso ko. Tapos naman na akong uminom at iyon lang naman talaga ang balak na gawin ngunit para bang nag-ugat na ang mga paa ko sa lupa at ayaw nang umalis doon. Nanatili akong nakasandal sa counter habang siya ay nanatili ring nakasandal sa ref. Humalukipkip na at patuloy na nakatitig sa akin.

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon