Chapter 14

4.1K 158 11
                                    

I didn't proofread. You might encounter typos.

TINULUNGAN ako ni Franz sa paglalabas ng mga maleta ko mula sa hotel room ko. Hindi ko na pinagdala pa si Juna ng iilan ko pang gamit dahil bitbit niya ang sarili niyang mga gamit. Gustong magbitbit ng gamit ko ngunit tumanggi ako.

"Nasa baba na 'yong iba sa team. Halina kayo," ani Franz.

Bumuntonghininga ako at tumango na lamang. Muli ko pang pinagmasdan ang hotel room na tinuluyan ko sa loob ng isang buwan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.

Aalis na kami ngayong araw at babalik na ng Maynila. Tapos na ang photoshoot ko rito at kailangan na rin naming mag-check-out. Tinawagan ko pa nga si Tita Deborah kagabi. Tinanong ko kung puwede pa akong mag-extend kahit ako na lang.

Ayaw ko pa kasing umalis. I had to admit that I also learned to love Isla Contejo, as well. I still wanted to wander around. And Rodean's living here. He was working here. I wanted to stay here longer because of him. Gusto kong mas makasama pa siya sa matagal pang panahon bago ako bumalik sa Maynila.

"Hija, hindi puwede. May mga endorsement ka pa rito, remember? You need to shoot for those!" Iyon ang sagot sa akin ni Tita Deborah nang tanungin ko siya kagabi kung puwede pa akong mag-extend sa hotel.

"I know I have work there, Tita. But... I really wanna stay here for a while. Kahit isang linggo lang po?" pangungulit ko pa.

Narinig ko ang mabigat niyang pagbuntonghininga sa kabilang linya.

"Hindi nga, Seah. Hay naku, ha. Madalas kitang pagbigyan sa mga request mo, pero ngayon ay hindi muna. Naghihintay ang Azha Cosmetics sa pag-uwi mo dahil kailangan mong mag-shoot para sa commercial. Hindi puwedeng iurong mo na naman iyon. Nakakahiya. Halos kalahating milyon ang bayad sa 'yo ro'n, baka nakakalimutan mo? Iyon pang sa isang international clothing brand, hindi ba't um-oo tayo ro'n? Naghihintay rin 'yon kung kailan ka free. Kung mananatili ka riyan, mauurong nang mauurong ang lahat ng endorsements mo! Baka wala nang kumuha sa 'yo sa susunod dahil sa attitude mong ganiyan!"

Sa huli, hindi na nga ako namilit pa at wala na ring nagawa. Ayaw ko rin namang stress-in pa si Tita Deborah. May iba pa siyang talents na hawak at ang iba roon ay puro kunsumisyon. Ayaw ko nang dumagdag pa.

Nang makababa kami nina Juna at Franz sa lobby, naroon na nga ang kalahati sa team -- hinihintay pa ang iba pati na ang mga van na sasakyan namin.

"Wait with them. I just need to say bye to Rodean," sabi ko sa dalawa.

Bumakas ang malisyosong ngisi sa mga mukha nila at inasar pa ako nang mahina. Napailing-iling na lamang ako. They were already aware of Rodean and I's relationship. I also adviced them not to tell it to everyone they know. Rodean and I wanted a private relationship for now.

Hindi naman sa gusto naming itago ang relasyon. Ayaw lang muna namin na isapubliko. Hindi naman sanay sa spotlight si Rodean ay ayaw ko rin siyang pagkaguluhan ng media. I didn't want our relationship to be secret, but I also didn't want to publicize everything between us. Hindi man sikreto, kailangan ay pribado pa rin.

And knowing how the media works? I must protect my boyfriend at all cost.

Pinuntahan ko siya sa front desk at hindi pa man ako gaanong nakakalapit ay lumabas na siya roon upang salubungin ako. Seryoso ang mukha niya ngunit mababakas ang lungkot doon.

"Aalis na kami," panimula ko.

He stared at me through his dark and longing eyes. His expression suddenly became pleading with his eyes getting softer and softer each passing second.

Pinigilan ko ang namumuong emosyon sa dibdib ko. Ayaw kong maging emosyonal sa harap niya ngayon dahil mas lalo lang n'on pabibigatin ang pag-alis ko. Baka hindi na talaga ako makabalik ng Maynila nang tuluyan.

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon