Chapter 7

4.1K 162 9
                                    


MARAHAN akong inilapag ni Rodean sa isang mababa ngunit makinis na malaking bato. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng natamo kong sugat kaya napapakislot ako. Iniluhod naman ni Rodean ang isang tuhod niya sa harap ko at ipinatong ang binti ko sa isang tuhod niya.

"How are you gonna treat it?" I asked.

"May alcohol ka bang dala?" imbes na sagutin ako'y tanong din ang ibinalik niya sa akin.

Tumango ako. "Nasa bag ko."

Tumayo naman siya at agad na kinuha kung nasaan ang bag ko. Naghalungkat siya ro'n hanggang sa makuha niya ang alcohol. Bumalik siya sa harap ko at muling ipinatong ang binti ko sa tuhod  niya.

"Hindi ko 'to magagamot nang maayos dito dahil wala tayong gamit," aniya at binuksan na ang alcohol. "Malapit lang dito ang bahay namin. Puwede nating lakarin pero mukhang mahihirapan ka lang sa paglalakad. Magpapasundo na lang ako."

Naisip kong baka masyado na akong nakaaabala kaya nahihiya akong ngumiti at umiling. "A-Ayos lang, huwag na. Sa hotel ko na lang 'to gagamutin."

He sighed and looked at me straight. His stare was a bit sharp now. "Kumpara sa bahay namin, mas malayo ang hotel mula rito, Ma'am Seah. We need to treat your wound as soon as possible because you're losing a lot of blood already."

Napalunok ako at napatingin sa sugat. I felt bad when I saw it. Blood kept on coming out of it and I didn't know how much pain should I still endure. I was also thinking that I was already making a lot of trouble for Rodean and I didn't want to disturb him anymore.

He didn't need to do this. After all, it was my fault. I was stupid and very hard-headed. Ilang beses niya akong pinigilan kanina dahil nga madulas pero nagpatuloy pa rin ako.

I didn't want to be a disturbance anymore, but seeing how bad my wound was, I felt like I had no choice but to agree with his idea. It was more convenient if his house was really just near from here.

"Lalagyan ko lang muna ng alcohol at babalutan ng tela. 'Tapos tatawagan ko na ang magsusundo sa atin."

Hindi ko na siya kinontra pa sa mga gusto niya dahil makakatulong din naman iyon sa kalagayan ko. Napahinga ako nang malalim nang akma niya nang bubuhusan ng alcohol ang sugat ko. Napatingin sita sa akin at doon niya nakita ang hindi ko maipintang ekspresyon.

"This will hurt a little," he gently warned.

I unconsciously bit my lower lip, but still nodded to urge him to continue. Nang tuluyan niya itong mabuhusan ng kaunting alcohol, malakas akong napahiyaw at halos bawiin mula sa kaniya ang binti ko.

He held my thigh firmly to stop me from wriggling. Isang patak pa ng alcohol ay marahan niyang hinipan-hipan ito bago niya dinukot ang panyo niya mula sa bulsa ng slacks niya. Dahan-dahan niya itong ibinalot sa sugat ko at ibinuhol.

Nag-angat siya ng tingin sa akin nang matapos sa ginagawa. He smiled reassuringly, but I couldn't even force a smile back because of the pain I still felt from my wound.

"You'll be fine," he uttered before standing up.

Pinanood ko siya nang mag-dial siya sa cellphone niya at may tinawagan.

"Edmund, pasundo ako rito sa Ylandra Falls."

Nang matapos ang tawag niya ay pinagbihis niya ako. Buti na lang ay summer dress din ang nadala kong pamalit kaya hindi na ako mahihirapan pang magsuot ng shorts kung sakali. Nang dumating ang isang SUV ay muli niya akong binuhat at isinakay roon. Wala pa yatang dalawang minuto ay huminto na ang sinasakyan namin sa isang... mansyon.

Bahagyang nangunot ang aking noo habang pinagmamasdan ang malaking gate na kasalukuyang dinaraanan ng SUV na sinasakyan namin. Nang tuluyang makapasok ay nalaglag ang panga ko nang makita ang nakatirik na mansyon sa gitna. It was huge and looked very classic, but also a bit modern at the same time. It was coloured in beige and some corners were in brown.

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon