Chapter 9

4.2K 164 12
                                    


PINAGBUKSAN ko ng pinto si Franz at ang mga mata niya ay agad na sinuri ang kabuoan ko. I raised a brow for a question before I also looked down at what I was wearing. I was wearing a high-waisted shorts and a backless yellow halter top.

"Sa'n ka pupunta?" tanong niya.

"Diyan lang."

Naningkit ang mga mata niya sa akin na tila may malisyosong iniisip.

"Magkasama na naman kayo ng manager na 'yon, 'no?"

I sighed and smiled a little before nodding my head. Mas lalong nanliit ang mga mata niya at nabahiran na rin ang ekspresyon ng panunukso. Kulang na lang ay pagsuspetsahan niya ako ng kung ano sa klase ng tingin niya.

"Alam mo, malapit ko na talagang isipin na mag-jowa kayo niyang front desk manager na 'yan."

Pabiro akong umirap at umiling. "We're not a thing, okay? We just like hanging out with each other like what normal friends do."

Inismiran niya ako ngunit ang panunukso sa ekspresyon niya ay naroon pa rin. Haluan pa ng punong-puno ng malisya niyang mga mata.

"Okay, sabi mo e. Anyway, kaya kita kinatok ay para yayain ka. Magpapa-spa kami ni Juna."

I pouted a bit. I kinda felt like I wasn't spending a lot of time with them already because of Rodean and I's escapades. Minsan naiisip ko na baka nagtatampo na sila sa akin pero sa itsura naman nila, mukhang ayos lang. Maybe I should ask Franz.

"Sorry, Franz, I already made plans with Rodean today. Sayang, sana sinabi mo nang maaga 'yan."

"E ngayon lang namin naisip ni Juna. Next time ka na lang sumama, kung gano'n."

My expression softened. "Is it okay?"

Tumango-tango siya. "Oo naman."

"Sure ka, ah? Hindi kayo nagtatampo sa 'kin?"

He almost rolled his eyes at my question. He even hit my arm lightly.

"Parang ewan naman 'to. Ba't kami magtatampo? High school lang?"

Natawa ako sa huling sinabi niya at nahampas din tuloy siya sa braso. Para akong nakahinga nang maluwag at nabawasan ang mga gumugulo sa isip.

"Naisip ko lang naman," sagot ko. "Kasi ang dami nating plano na magtu-tour tayo rito, pero halos araw-araw ko nang kasama si Rodean. So napapaisip talaga ako kung nagtatampo ba kayo sa 'kin, gano'n."

Ang bading na bading niyang halakhak ay sinakop ang buong hallway. Medyo matinis ito at sadyang malakas kaya napangiwi at natawa ako nang bahagya.

"'Te, it's not a problem! Hindi kami nagtatampo or what. Naiintindihan naman namin na napapalapit ka na sa manager na 'yon. Shini-ship nga namin kayo kaya walang problema kung araw-araw kayong magkasama."

"Talaga?"

"Oo! Hay naku, basta! Mag-enjoy ka lang. Babalik kami ni Juna before lunch. Ikaw, anong oras ka babalik at saan ba kayo pupunta ni Mr. Hottie Manager?"

I chuckled. "Doon daw sa rancho ng family nila."

"Oki! Baka kasi magtanong ang mga staff kung nasa'n ka. Bumalik ka na lang din agad."

Nang makaalis si Franz ay muli ko pang pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa harap ng salamin. I decided to put my hair in a high ponytail and immediately left after that.

Nakasandal sa front desk si Rodean nang abutan ko roon. His eyes then landed on me and just swiftly scanned me from head to toe before he stood straight.

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon