Chapter 16

3.9K 163 17
                                    


UMANGAT ako mula sa paglangoy at kaagad na hinanap si Rodean sa sun lounger. Tahimik lang siyang nakaupo roon kasama ang mga gamit ko. Prenteng nakasandal at nakahalukipkip habang mataman akong pinagmamasdan.

Nagpakawala ako ng mabigat na hininga na naipon sa paglangoy ko sa pool bago nagpasyang umahon. I looked at Rodean again only to find him shamelessly staring at my body. When I walked nearer, his eyes swiftly went back to my face.

Dinampot niya ang tuwalya sa tabi niya at agad itong iniabot sa akin. Tinanggap ko ito bago umupo sa sun lounger sa tabi niya.

"I wish you can swim with me," I said while wiping my neck with the towel.

He was busy looking at how I wiped the drops of water on my neck down my cleavage that's why it took him a moment to respond.

"Kapag day-off ko. Punta tayo sa La Contejo Resort."

Ibinaba ko ang towel sa aking kandungan. Sinundan niya iyon ng tingin.

"Bakit hindi rito? May pool naman."

He brought his eyes back to my face before answering. "Mas maganda sa resort. May beach pa."

Slowly, I stood up and went to him, so we could just share a lounger together. Malaki naman iyon at mahaba kaya kasyang-kasya kami. He looked a bit surprised at my sudden move that he froze on his seat for a second.

Tumabi ako sa kaniya kaya napausog siya nang bahagya. Dumikit ang basâ kong braso sa braso niya kaya mabilis kong inilayo iyon.

"Oops! Sorry." Pinunasan ko ang braso niya na nadikitan ng tubig.

"It's fine."

We eventually got comfortable in our seat. Natuyo na rin ang katawan ko sa kapupunas kaya hindi na ako nagreklamo at nailang nang ipulupot ni Rodean ang braso niya sa baywang ko. Sumandal ako sa dibdib niya habang dinadama ang mararahang haplos niya sa aking tiyan.

"So bakit nga sa La Contejo Resort pa, ha?" ulit ko. "Ayaw mo bang makita ng mga tao rito na magkasama tayo sa day-off mo?"

He sighed. "No, it's not about that. I just think we can have more time and fun there since it's more private than here."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang maalala ang kasalukuyang issue. Maybe he was thinking that he didn't want to be the center of attention and it was better for us to be more private so that his image was still protected. Ayos lang naman iyon sa akin. Kasi gusto ko rin naman siyang protektahan sa media.

Pero... hindi naman kami nagtatago. He wasn't my secret. I didn't want him to be one. Kagaya nga ng gusto ko, ayaw kong isekreto ang relasyon namin, pero ayaw ko rin naman ng sobrang lantaran. Saktuhan lang, gano'n.

Tiningala ko siya ng tingin. Nakatingin na pala siya sa akin kaya agad na nagtama ang mga mata namin.

"Do you want our relationship to be secret for now?" I asked.

Matagal siyang tumitig sa akin bago unti-unting umiling.

"No. I am proud of us, honestly," he uttered. "But if it's staining your public image that you worked so hard for, it might be an option to keep us private."

Napaisip ako sandali. Was it staining my image already? I thought of the photo circulating on the internet. People were calling me names, but then... I was already used to it, so...

Umiling-iling ako at lumingkis pa lalo sa kaniya. His arm tightened around me.

"It's not staining my image, love," sagot ko. "'Tsaka kahit ano namang gawin ko, may nasasabi at nasasabi ang mga tao. It's not new to me. I'm already used to it."

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon