Chapter 35

5.2K 172 8
                                    

5 chapters left. Hope to see you 'til the end :>

NAKAUSAP ko si Papa sa phone isang araw matapos ang pagdalo namin nina Rodean sa birthday celebration ng tito niya. Ibinalita sa akin ni Papa na maayos na ang lahat ng tungkol sa mga pinagkautangan ni Mama. Nabayaran na ang lahat ng dapat bayaran.

He also assured me that there were no threats anymore. They no longer have anything against Mama and our family. Saktong-sakto ang balita ni Papa dahil matatapos na ang durasyon ng pag-stay namin sa hotel. Nasabi ko na rin naman kay Rodean na talagang babalik na kami ng Maynila kapag maayos na ang lahat.

Rodean still wanted us to be safe and well protected despite the fact that I already assured him a lot of times that there were no longer any threats against us. He hired three bodyguards for us as we all went back to Manila.

Sa condo niya kami tumuloy kasama si Ate Angge at Fio. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makausap sa phone iyong dati kong assistant na si Juna. Ni hindi ko na kasi siya nakamusta magmula noong magtago kami sa Palawan. Kawawa naman 'yon, hindi ko na nasuwelduhan. Nasabi niyang umuwi na siya sa kanila sa Aklan at doon na nagtatrabaho ngayon. Kapag daw kailangan niya pa ulit ng assistant ay tumawag lang daw ako sa kaniya.

Sumilip ako sa garden mula sa sliding door. Natanaw ko roon si Rodean at si Papa na nag-iinuman at tahimik na nagkukuwentuhan. Binisita namin sila rito dahil gustong makilala ni Papa si Rodean. Doon ko lang din naalala na hindi ko sila naipakilala sa isa't isa noon.

"Alam mo 'yang si Seah, ang kulit-kulit niyan no'ng bata pa. Lagi 'yang patakbo-takbo sa kung saan-saan 'tapos palaging nakalingkis sa amin ng Mama niya. Gusto niya palagi siyang bine-baby."

Napasapo ako sa magkabilang pisngi ko at napailing-iling na lamang sa mga ipinagkukukuwento ni Papa.

"Ikaw ba, malikot ka ba noong bata ka?" tinanong niya pa si Rodean na kasalukuyang inuubos ang lamang alak ng baso niya.

"Medyo po."

"Naku!" Papa produced a hearty laugh. "Iyang si Fio mukhang magmamana pa sa inyo. Panay na ang habol n'yo r'yan kapag lumaki-laki pa 'yan."

Nangiti ako. Mukha ngang magiging makulit na bata si Fio. Ngayon pa lang, nakikini-kinita ko na. Hagikgik nang hagikgik 'yon 'tapos maloko na rin minsan. Kapag nilalaro namin ni Rodean, nakikipaglokohan pa sa amin.

"I'm happy you found a good man, Seah."

Nilingon ko ang nagsalita sa likod ko at sinalubong ako ng magaang ngiti ni Tito Atlas. I simply cleared my throat and smiled a little at him.

"I'm really so blessed po," tugon ko.

Tito Atlas was just as tall as my father. He also had a good body built. Hindi mo aakalain na may relasyon sila ni Papa dahil lalaking-lalaki ang mga itsura nila at sobrang gaguwapo.

Lumaki ang ngiti niya sa naging sagot ko. "Palagi kasing nagwo-worry 'yang si Nixon noon. Nag-aalala siya na . . . baka saktan ka lang ng kung sinong lalaki. Syempre gusto niya na mapabuti ang lagay mo at maging masaya ka. Iyon naman ang pareho naming gusto noon pa."

Tumingin siya sa gawi nina Papa at Rodean. Napabaling na rin tuloy ako ng tingin doon. Naabutan ko ang dalawa na nagtatawanan na habang patuloy pa rin sa pag-iinuman.

"Ang sabi pa niyan sa akin kanina bago kayo dumating, gigisahin daw niya ang boyfriend mo at titingnan niya kung hanggang saan tatagal. Doon daw kasi niya makikita kung mabuti itong lalaki at karapat-dapat para sa 'yo."

Maikli akong natawa at napailing-iling. "Si Papa talaga . . ."

"E mukhang pasado naman sa kaniya. Kita mo nga't nagtatawanan na. Kung hindi niya gusto si Rodean para sa 'yo, hindi 'yan tatawa-tawa nang ganiyan."

Natawa kaming pareho at natahimik ulit sandali. Matagal ko nang napatawad si Papa kaya pati si Tito Atlas ay napatawad ko na rin naman. Wala na akong sama ng loob sa kanilang pareho. Ang tagal na rin kasi n'on. Minsan masakit pa rin sa tuwing naaalala ko noong iwan kami ni Papa, pero . . . wala naman na akong magagawa. Tapos na 'yon. Nangyari na.

Hindi naman siya huminto sa pagiging ama sa akin. Si Tito Atlas, ramdam kong nagpapaka-ama rin sa akin sa tuwing bumibisita ako rito. Puro kabutihan ang natatanggap ko mula sa kaniya. Hindi maganda ang ginawa nilang pagbabalikan habang kasal pa si Papa kay Mama. Mali iyon kahit saang anggulo pang tingnan. Kahit pa sabihing si Tito Atlas talaga ang tunay na mahal ni Papa, still, kasal pa rin siya kay Mama.

Masakit ang ginawa nilang pareho at kahit anong sorry o pagbawi ang gawin nila, hinding-hindi magiging tama ang panloloko nila. Natuto na lang talaga akong magpatawad sa pagdaan ng panahon. Unti-unti kong natanggap, ngunit hindi ibig sabihin n'on na naging tama na sa paningin ko ang pag-iwan sa amin ni Papa para lang makapiling si Tito Atlas. Mananatili iyong mali sa mga mata ko kahit matagal ko na silang napatawad.

"Uh . . . Tito." Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "I just want to ask something because I'm curious."

Tumaas ang dalawang kilay niya bilang pagtatanong. "Okay? What is it, hija?"

Bumuntonghininga ako at isang beses na sumulyap kay Papa. "Nagmahal ka po ba ng iba bukod kay Papa?"

Napakurap siya sa tanong ko at tila ba hindi inasahan iyon. Ilang sandali siyang tumitig sa akin bago unti-unting tumaas ang sulok ng mga labi para sa isang maaliwalas na ngiti.

"Hindi. Kahit anong gawin ko, siya talaga e," sagot niya.

Bahagya akong napakagat sa pang-ibabang labi ko. Isang beses akong tumango at ngumiti. Muli kong pinagmasdan si Papa na masayang kakuwentuhan si Rodean bago ko ulit ibinalik ang tingin ko kay Tito Atlas.

"Mahal na mahal ka po ni Papa. Nagawa niya kaming iwan para sa 'yo kaya sana . . . huwag mo siyang bibiguin."

Napakurap-kurap ako nang magaan niyang haplusin ang buhok ko habang magaan pa ring nakangiti sa akin.

"Hinding-hindi, Seah. Hindi kailanman."

*****

"Wala ka talagang kupas, Seah. Your shots are all so good! Ang hirap na namang mamili nito!"

I chuckled at what I heard from the photographer. Kasalukuyan na akong nagtatanggal ng make-up dahil katatapos lang ng shoot. Balik trabaho na ako kaya kabi-kabilaan na naman ang mga shoot at endorsement ko. Dinagsa na rin ako ng invite sa iba't ibang fashion shows at hindi ko alam kung mapauunlakan ko ang lahat ng 'yon.

Rodean continued his work even though we're here in Manila. Sa Manila branch siya ng The Contejo Hotel pumapasok ngunit madalas ay nasa bahay lang siya at kahrap ang laptop niya.

Nakailang TV guestings na rin ako at ang kadalasang topic ay si Fio at Rodean. Minsan nga parang gusto ko na lang tanggihan ang mga guestings na gano'n dahil paulit-ulit lang ang tanong. Nakakasawa rin kaya. Name-memorize ko na nga ang mga sinasabi ko e.

Naglalakad ako sa corridor upang puntahan si Tita Deborah sa opisina niya rito sa istasyon nang unti-unting mahinto ang mga paa ko. Unti-unti ring nahinto sa paglalakad si Zadrino nang makita niya ako. Umawang ang bibig niya at natulala sa akin.

"S-Seah . . ."

Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan at marahang kumurap-kurap upang magpigil ng emosyon. Bumuhos na parang ulan ang mga alaala sa utak ko mula sa masasaya naming alaala hanggang sa pinakahuli naming pagkikita.

Napahigpit ang hawak ko sa handle ng bag ko bago ako tipid na ngumiti sa kaniya.

"Hi."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon