Chapter 12

3.9K 181 18
                                    


UMATRAS ang tricycle driver at ang lalaking kasama nito nang humarang si Rodean. Ako naman ay medyo gulat pa rin dahil hindi makapaniwalang naririto siya. Anong ginagawa niya rito? Bakit bigla-bigla na lang siyang sumusulpot?

"P-pasensya na po, Sir Rodean. G-gusto lang naman po namin siyang tulungan--" katwiran ng driver na agad pinutol ni Rodean.

"Hindi niya kailangan ng tulong n'yo. Hindi kayo dapat namimilit!" bahagyang tumaas ang kaniyang boses.

"Pasensya na po, hindi na muulit," pag-uulit ng mga ito bago tumingin sa akin. Tinaliman ko sila ng tingin. "Pasensya na, ma'am."

"Sige na, alis na!" pagtataboy ni Rodean.

Dali-daling bumalik sa tricycle ang mga ito at humarurot paalis. I sighed as I felt my heart beating wildly at the presence of Rodean in front of me. He turned to look at me -- eyes careful and full worries.

"Are you okay?" he gently asked.

Bumuntonghininga ako at nag-iwas na ng tingin.

"I'm fine." Nilagpasan ko siya at nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad.

"Saan ka pupunta?"

Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin kaya hindi ko naiwasang makaramdam ng pagkairita. Okay na, 'di ba? Wala na 'yong dalawang lalaki. Puwede na siyang umalis. Why was he following me, anyway? Why was he even here?

"It's none of your business," tamad kong sagot.

"Hindi mo alam ang mga lugar dito at saka bakit ka mag-isang naglalakad? Nasaan ang mga kasama mo?"

Nagtagis ang bagang ko at huminto sa paglalakad. Inis ko siyang nilingon at bahagya pa akong napasinghap dahil halos magkabungguan kami dahil sobrang lapit na pala niya sa akin. Tamad na umikot ang mga mata ko at umatras.

"I can handle myself, okay? Bumalik ka na sa hotel. Why are you suddenly here in the first place?"

Napailing-iling ako at nagpatuloy muli sa paglalakad. Muli kong narinig ang pagkaskas ng sapatos niya sa lupa -- sumusunod pa rin sa akin.

"I saw you going out of the hotel all alone. You're still not familiar with this place, Seah. Sinundan kita dahil baka kung mapa'no ka."

Oh my goodness. Could he just stop? Sa ginagawa at sa mga sinasabi niya ngayon, mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya at hindi iyon tama! Hindi dapat! Gusto ko na ngang kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya e, pero heto siya, sinusundan ako at ipinaparamdam sa akin na mahalaga ako sa kaniya kahit alam kong hindi naman!

He was making me hope for nothing and it didn't feel right!

Sa pangalawang pagkakataon ay humarap ako sa kaniya. Malalim at mabigat na ang paghinga ko ngayon dahil sa pinaghalong iritasyon at sa tila mas lumalalim na nararamdaman ko para sa kaniya.

"Anong bang pakialam mo, Rodean? The last time I checked, we're not talking anymore, and that's not because I'm bitter that you don't like me! It's because it's best for us not to talk anymore." Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan at hinabol ang paghinga. "Can't you see? Ako na 'yong lumalayo dahil mas lalala lang ang nararamdaman ko para sa 'yo kapag nagpatuloy pa tayo sa pagkikita at pag-uusap."

Hindi siya nakasagot. Natulala siya sa akin at mas lalong lumambot ang ekspresyon. Nagpatuloy ako sa aking sasabihin dahil kung sakaling ito na ang huling pag-uusap namin, gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat ng nasa loob ko.

"Now, stop following me and trying to talk to me. I'm doing my best to forget about you. Hindi mo naman ako gusto, 'di ba? Wala ka dapat pakialam sa akin. Huwag mo nang--"

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon