Chapter 36

4.7K 182 11
                                    

Didn't proofread. There might be typos.

NAUPO ako sa isang one seater sofa sa loob ng dressing room ni Zad. Isinara niya ang pinto bago siya humila ng monobloc mula sa sulok at dinala iyon sa harap ko. Naupo siya roon at tipid akong nginitian.

Pasimple kong pinagmasdan ang kabuoan niya matapos ko siyang hindi makita ng halos dalawang taon. Wala namang gaanong nagbago sa kaniyang itsura. Kumapal lang nang kaunti ang buhok at nagkaroon ng kaunting bigote. He was still the heartthrob Zadrino Castañares I've known for so long.

The atmosphere between us was kinda awkward, but somehow, I wasn't feeling any heavy air or tension. Maybe because I've already grown fond of him throughout the years that even if we didn't see each other for so long, the bond and connection between us would still be there.

"How are you?" he asked as he stared at me softly. "Si Fio, kumusta na rin?"

I smiled. "Kababalik ko lang sa trabaho kaya medyo hectic ang sched ko sa mga susunod na linggo. Fio is fine. Unti-unti na siyang natututong maglakad."

He chuckled in delight. His eyes getting chinkier. "I hope I can meet him soon. Sa tuwing naikukuwento kayo sa akin ni Tita Deborah, tuwang-tuwang ako kapag nababanggit niya sa Fio. He's a great kid."

I smiled widely. "Thank you."

Sandali kaming natahimik at tila hindi na alam kung ano pang sasabihin. Iginala ko na lang muna ang mga mata ko sa kabuoan ng dressing room niya rito sa istasyon para kunwari'y abala. May kalakihan ang dressing room niya kumpara sa dressing room ng ibang artists dito. Halatang-halata tuloy na may pinapaboran ang management.

Syempre, kung sinong sikat at kung sinong mas nagbibigay ng kita sa kanila, iyon ang mas aalagaan nila. Pero depende pa rin naman. May ibang agency o network na talagang patas pagdating sa mga artist nila.

"Siya nga pala, Seah . . ."

Muli akong napatingin sa kaniya nang magsalita na ulit siya. He looked nervous and hesitant. I could also see sadness and pain in his eyes no matter how much he tried to avoid my gaze.

"I'm sorry for what happened . . ." He guiltily looked at me in the eye. ". . . from the last time we saw each other."

Marahan akong napakurap at napababa ng tingin sa mga kamay kong nakapahinga sa aking kandungan. Nagpatuloy siya sa kaniyang sinasabi.

"I went overboard, I admit. And I'm truly sorry. Hindi ako dapat . . . nanghimasok nang gano'n sa . . . relasyon n'yo ni Rodean."

Iniangat kong muli ang mga mata ko sa kaniya. Nakayuko siya at bahagyang gumagalaw ang panga. Ang bigat ng aura niya dahil ang lungkot niyang tingnan. Bagsak ang mga balikat, matamlay ang mga mata, at punong-puno ng hinanakit ang boses.

"Pasensya na kung pakiramdam mo noon, sinisira ko ang relasyon n'yo sa pansarili ko lang na kagustuhan." Mabigat siyang napabuntonghininga. "Believe it or not, I only wanted to spare you from a possible heartache. That's all I wanted that time, Seah."

Nag-angat siya ng tingin sa akin ngunit sandali lang dahil bumaling din agad siya sa ibang direksyon na para bang biglang nahiya.

"R-Rodean and I's relationship got tainted because he kept on introducing other girls to his family to cover who he was."

Naikuwento niya ang tungkol sa pinsan niyang si Fourtney at ang naging koneksyon nito kay Rodean. Tugma ang lahat ng iyon sa mga nasabi na sa akin ni Rodean.

"Siguro nga ang pinakarason niya kung bakit niya ginagawa 'yon ay para may maidahilan sa mga magulang niya kung bakit ayaw niyang maikasal kay Fourt, but still . . . hindi ko yata kakayanin kung pati ikaw ay idamay niya sa gano'n. Kaibigan kita at ayoko na ginagamit ka niya."

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon