Chapter 30

5.5K 224 27
                                    


MABAGAL ang naging bawat hakbang ko pabalik sa lounger kung nasaan sina Ate Angge, Fio, at Rodean. Kabaligtaran ng mga hakbang ko ang tibok ng puso ko. Para itong hinahabol ng kabayo sa sobrang bilis at lakas ng tibok. Kinailangan ko pang magpakawala ng malalalim na hininga dahil pakiramdam ko ay tinatakasan na ako ng hangin.

Habang pinagmasmasdan ko si Rodean na mukhang aliw na aliw sa hagikgik ni Fio, parang kinukurot ang puso ko. Hindi pa man niya alam na anak niya ito, kung titingnan siya ngayon ay parang ang gaan-gaan na agad ng loob niya rito.

"You're so cute," Rodean said in a tiny voice as he lightly pinched Fio's cheek.

Unti-unti akong huminto sa paglalakad nang nasa gilid na nila ako. Si Rodean ang unang nakapansin sa akin na agad akong pinagtaasan ng kilay. Bumaling na rin sa akin si Ate Angge.

"Ay, nariyan ka na pala, Ma'am. Muntik nang umiyak si Fio kanina pero natigil din nang lumapit si Sir at nilaro siya." Bahagya siyang natawa sabay turo kay Rodean.

Bahagya akong napakagat sa pang-ibabang labi ko at muling ibinalik ang tingin kay Rodean. Medyo kunot na ang noo niya at nagpapabalik-balik ng tingin sa amin ni Ate Angge.

"Magkasama kayo?" tanong niya kay Ate Angge.

Mabilis naman itong tumango. "Opo. Siya po ang mommy nitong si baby."

Mas lalong dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Napahinga ako nang malalim at ibinigay na muna kay Ate Angge ang binili kong fruit shakes bago ko kinuha sa kaniya si Fio. Ramdam ko na ang nagtatagal na titig sa akin ni Rodean kahit sa gilid ng mata ko lang siya nakikita.

"Pabantay muna ng mga gamit, Ate. Dito ko muna," sabi ko kay Ate Angge.

Nabalot ng pagtataka ang mukha niya ngunit hindi naman na nagtanong lalo na noong bumalik ang tingin kay Rodean. When I brought my eyes back to him, I was welcomed by his piercing and confused stare. He remained staring at me for a few seconds before he slowly drifted his eyes to Fio. An unfathomable emotion suddenly crossed his eyes.

"We n-need to talk." Nautal pa ako sa kaba.

Umangat muli ang mga mata niya sa akin. Mas lalo iyong nagdilim kasabay ng bahagyang pag-iigting ng panga niya. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba kaya isang beses pa akong sumagap ng malalim na hininga bago naglakad.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang mabagal na sumunod. I expected him to say something or even ask, but he remained silent. I didn't know what possibly going on in his mind. From what I saw in his face, he looked confused and a bit mad. I understand his frustration and I would try my best to explain everything he needed to know.

"Let's just talk in my office," aniya nang huminto ako sa buffet restaurant dahil doon ko sana balak na mag-usap kami tutal ay wala namang gaanong tao.

Napalingon ako sa kaniya at naabutan ko siyang malambot na nakatitig kay Fio. Nagbaba ako ng tingin sa anak ko at wala sa sarili akong napangiti nang makita siyang nakanguso habang nakikipagtitigan sa daddy niya.

Rodean shifted his gaze at me. The sharpness in his stare went back the moment his eyes landed on me. Para bang inapi ko siya buong buhay niya kung makatingin siya sa akin nang mariin. Hindi ko naman siya masisi dahil may kasalanan naman talaga ako. Wala akong karapatang sabayan ang galit niya.

Sa huli ay pagod siyang bumuntonghininga at tamad na nag-iwas ng tingin sa akin. "Let's go."

Nagsimula na siyang maglakad at hindi na ako tiningnan pa. Hindi na ako nagreklamo at sumunod na lamang sa kaniya. Sa loob ng elevator ay panay ang sulyap ko sa kaniya ngunit diretso lang ang tingin niya. Seryoso pa rin. Kunot ang noo at mariin ang tingin.

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon