02

68 6 6
                                    

Happy reading :)

-

"Morrie, nagawa mo 'yung assignment? Ang dami hano?"

I look on Jesny's way. Hindi ko napansin si Jesny dahil nagmamadali ako sa paglalakad. Pagdadating ako sa school, himala na lang na hindi pa nag-uumpisa ang flag raising.

Masyadong maagang nagsisimula ang flag raising kaya hindi ko na talaga inaabutan. Maswerte na lang kung aabutan ko 'yung closing ceremony.

"Yes, nayari ko. Ikaw? Hindi ka yata maaga ngayon?" parehas kaming mabilis maglakad. Nakafix lang ang mata ko sa nilalakaran namin. Naiilang akong makipag-eye contact sa stranger, well kahit naman sa mga kakilala.

"Buti nga nayari ko ng maaga kagabi. Nahuli ng gising si Kuya ko kaya na-late ako."

"Siguro nasa room na si Anastasia. Hindi ko yata kakayaning maagang maaga sa school," biro ko. Simula nung nagstart ako sa pag-aaral, mabibilang na lang sa kamay ko ang pagkamaaga ko.

Pagdating namin sa room ay natuwa ako nang makitang wala pa ang adviser namin sa harap. Pasimple kaming pumasok ni Jesny sa loob.

"Morrie! Tingin nga ng assignment mo sa math," sabi ni Cristine na katabi ko.

Nasamid ako dahil sa narinig. Kakarating ko lang, iyon na kaagad ang itatanong sa akin. Susme!

Tumingin ako sa board, kunwari hindi ko narinig ang sinabi niya. Madamot ako sa sagot, alam ko 'yun dahil mas gusto kong natutunan nila ang mga topics. Sila lang din ang mahihirapan kung hindi nila naintindihan ang lesson at saka after recess pa naman ang math namin kaya ayos lang siguro kung magpapaturo siya mamaya.

"Morrie," she called again.

Mabilis kong naka-eye contact si Anastasia. Hindi ko alam kung natatawa ba siya o ano.

"Ah, pasensya na, hindi ko pa kasi nagagawa. Jesny, Anastasia nagawa niyo ba 'yung inyo? Tignan ko nga baka maalala ko 'yung lesson natin kahapon."

Kinuha ko 'yung notebook ko sa math at saka lumipat ng upuan sa harap ng kinauupuan ko. Doon kasi naka-upo sila Jesny at Anastasia.

"Sabi mo sa'kin kanina yari ka na," bulong ni Jesny.

"Ayaw ko magpakopya. Kahit na sabihin niyang titignan niya lang 'yung akin alam ko na kokopyahin niya 'yun."

"Morrie, ako patingin."

Inabot ko naman kaagad ang notebook ko kay Anastasia. Bigla akong tinawanan ng dalawa. Itong magpinsan na 'to minsan hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak.

"Bakit binigay mo agad sa akin ang papel mo kung gano'n?" Tatawa tawang sabi nito.

Napatanga ako ng ilang segundo. Oo nga, 'no? Ang iba ay ayokong pakopyahin kahit na may pinagsamahan naman kami ni Cristine, naging kaklase ko pa nga siya nung grade seven ako and Cristine is one of those people who became close to me.

Maybe I just don't like her vibe now?

Pagdating ng break time ay hindi bumaba sila Anastasia at Jesny kaya ako na lang mag-isa ang naglakad pababa. Nasa second floor ang room namin at medyo may kalayuan sa cafeteria.

Hindi ganoon karami ang tao sa cafeteria dahil maaga kaming pinalabas ni Ma'am Alona. Lampas sampo lang yata ang taong nasa cafeteria ngayon. Kung kumain lang ako kanina ng agahan sa bahay hindi na ako magaaksaya ng oras pababa dito.

I was about to grab the last slice of the cheesecake when a man grabbed it.

"He hey! So today's special menu was cheesecake, huh," sabi nung lalaking katabi nung may hawak na cheesecake. Nakangiti siya at nawawala ang mata niya pag nakangiti siya.

Strums of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon