09

28 3 0
                                    

Happy reading :)

-

Nagtaka ako nang tumigil kami sa pinakamalapit na waiting shed. Hindi naman niya siguro naririnig ang mga iyak ko dahil sa ingay ng motor at sa patak ng ulan, 'no? Ayokong malaman niya na umiiyak ako dahil lang do'n. Para sa akin ang babaw babaw nitong iniiyakan ko kaya hindi na niya kailangan pang malaman.

He shakes his head as soon as he got off the motor. Tahimik ko lang minamasdan ang kanyang mga galaw.

"Dito ka muna, may pupuntahan lang ako saglit."

Tipid lang akong tumango sa kanya. We were both soaking wet at mas nabasa pa siya dahil walang habas niyang sinuong ang ulan.

I sat down and put my hands on my lap. Mariin na magkadikit ang dalawang binti ko habang nagiintay. Hindi ako masyadong nilalamig pero tumatama sa balat ko ang pag-ihim ng hangin kaya nakaganoong ayos ako.

Chineck ko ang phone at wallet ko sa bag na dala. Mabuti na lang leather ang dala kong bag kaya hindi nabasa ang mga gamit ko sa loob.

Pinunasan ko ang tumutulong tubig sa mukha ko habang tumatanaw sa papalapit na bulto ni Levielle. Tumatakbo siya kaya hindi rin nagtagal nang makarating siya sa harap ko.

"Binili kitang ice cream."

Nagtataka kong kinuha ang nakasupot na cup ng ice cream mula sa kamay niya. Tahimik lang siyang umupo sa tabi ko habang ako naman ay naguguluhan pa rin pero binuksan din naman ang ice cream kalaunan.

"Ang random mo."

"Gusto lang kitang ilibre, masama?"

Ngumisi ako nang hindi siya tinitignan. Ngayon talaga niya naisipang manglibre. Talagang sa gitna ng malakas na ulan at sa gitna ng magulo kong utak. His libre made me feel light and better. Kahit na malamig, natanggal no'n ang bumabagabag sa utak ko.

To be honest, hindi ako galit kay Papa. I couldn't bring myself to be mad at him. May kaunting pagtatampo sa loob ko pero kahit anong gawin ko hindi ko talaga kayang magalit sa kanya, kahit na ang sakit sakit sa parte ko no'n. Masakit pero pakiramdam ko talaga mababaw... at saka kaya ko namang tanggapin, kaya ko namang magsettle sa kung anong kaya nilang ibigay sa akin.

"Ayos ka lang?"

I turned my head towards him and immediately looked down on my cheese cashew ice cream when I met his eyes. Parang napapaso ako.

"Oo naman, bakit naman magiging hindi?" I laugh it all off. Ayokong makita niya ang kahinaan ko. Kahit hindi siya, ayaw kong may makakakita ng kahinaan ko.

"Tinatanong ko lang, masama? Baka kasi nilalamig ka na. Kung ganoon nga ay iuuwi na kita."

Tumawa ako dahil nabawasan ang kabang nararamdaman ko. I love how he didn't ask further. I love how he didn't try to invade my privacy.

Madami akong natanggap na tawag para sa Nirwayna nung mga sumunod na araw. Nung una ay kinakabahan akong sagutin ang tawag dahil wala naman akong ideya kung ano ang ganap pero nilakasan ko ang loob ko. Phone calls lang parang magkaka-anxiety na ako.

"Hello, good day," pagbati ko sa kabilang linya para maging formal naman ang aking pagbungad.

"Shet, Morrie! Pwede ka na sa call center!" Malakas na tumawa ang nasa kabilang linya. Hindi ko na kailangang alamin ang pangalan niya dahil sa boses at tawa pa lang ay halata naman na.

"Bakit ba tumatawag ka? Epal mo!"

"Mith ka na po ni baby Zam. Hmp! Kailan ka po ulit pupunta sa practice?"

Strums of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon