04

59 6 2
                                    

Happy reading :)

-

I was swaying my head, vibing on their melodies when I heard someone sneeze, causing the band to stop. Napahinto ang paggalaw ng ulo ko at sumilip sa pagitan ng mga upuan kahit na alam ko sa sarili ko na upuan pa rin ang makikita ko sa aking pagsilip.

I heard their groans.

Si Zamira ang kumakanta kanina nang bigla itong bumahing. Bumungisngis pa nga ito sa tapat ng mikropono.

"The hell, Zami?"

"Zami, gusto mo bang ulo mo ang ipangpalo ko sa drums?"

Tinikom ko ang bibig ko kahit na natatawa sa narinig.

"Sorry na mga lods. Hindi ko naman mapipigilan 'yung pagbahing ko," he reasoned.

He's right though pwede naman siyang bumahing ng hindi tutok sa mic. Umecho yata sa buong music room ang pagbahing niya kanina e.

"Levielle, kung ikaw ba nababahing mapipigilan mo? Ibang Levielle ka naman pala!"

Mas itinikom ko ang bibig kahit na gustong gusto ko ng tumawa. Zamira's too defensive and he even has time to mock his bandmates.

"I think there's a cat. Zamira's allergic to cats. Let's go out and postpone our practice," Levielle said.

Ang out of nowhere ng sinabi niya pero parang nakahinga ako ng maluwag dahil do'n. Siguro hinahanap na ako ng mga kaklase ko dahil tumakas lang naman ako sa kanila at ako ang inaasahan ni Rhian sa paggawa kahit na naiinis pa rin ako sa babaeng iyon dahil ipinagkanulo nila ako.

"Zami's weird, don't you think? He's allergic to cats but he has wolfy, his dog," sabi ng isang lalaki. I think he's Eros, 'yung lalaking pinakilala ni Zamira na may pa intro pa nga at 'yung lalaking si Anastasia lang ang babatiin kung hindi pa dinunggol ni Zamira.

"It's pretty normal, though. Where do you think he's allergic?"

"In its fur, of course."

"No, you're wrong. People think that it was because of that but no. It's really on the protein of the cat's saliva and its dander. That's why he can be with wolfy because he's not allergic to fur."

Napasilip ako sa kanila nang sumarado na ang pinto. Hindi ko alam na iyon pala ang dahilan. Akala ko pag allergic sa pusa, sa fur na may problem.

I tiptoed until I got outside. Para naman akong tumatakas at nagsisikap na hindi mag-iwan ng bakas sa ginagawa kong ito.

"Cheesecake."

I stiffened when I heard his gentle voice. Nasa bench na tapat ng cafeteria ang tumawag sa akin. Mabagal pa sa alas kwatro ako lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

"You could've told me that you won't pay me back. Hindi na sana kita hinintay rito kanina. Do you know how many minutes I stayed here?"

My lips parted. Oo nga pala! 'Yung special menu hindi ko nabili. Nawala sa isip ko dahil sa pagtuturo sa mga kabisote kong kaklase na sa umpisa lang magaling at siguradong bukas ay iindian-in na kami.

"S-sorry. Nakaligtaan ko," sabi ko habang hindi siya tinitignan sa mata niya. Ang ganda ng mata niya, baka malusaw ako.

Ang lakas ng loob ko kahapon na sabihin sa kanya na babayaran ko pero hindi ko naman nasunod ang kasunduan namin dahil hindi naman talaga ako bumababa tuwing break time.

"How many minutes did you stay ba? Bukas, I promise that you won't wait more than twenty minutes." Pangbawi ko. Hindi ko na talaga kakalimutan. Mag-aalarm pa ako bago mag break time para lang maremind ako tungkol sa special menu na 'yun.

Strums of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon