03

64 5 7
                                    

Happy reading :)

-

Two days lang kami may ICT, the remaining three days, half day lang kami kaya marami kaming oras na magpractice at kung wala namang practice ay para makapaglibot at syempre, makikain kila Anastasia.

"Nakakaluka 'yung MAPEH! Muntik na akong malito kung sino sa kanila ng math ang major!" sabi ko habang tumutusok ng chicken nuggets. Nakakasampong piso na ako, dati five lang maximum ko dahil palagi akong may ipit sa notebook na pera pero dahil sa MAPEH, napapakain ako ng marami.

"You should get the money from the treasurer, Morrie. Ikaw na lang bumili at maging head ng props. I am sure eepalan na naman nila Mycaela 'yun." Pang-uudyo ni Anastasia sa akin.

"Ayokong mangialam pag pera ang pinag-uusapan. Ayokong nag-aabono."

"Kuripot ka lang kasi," sabi ni Jesny.

"Bastos bibig mo! Pangit mo ka-bonding!"

Tumawa si Jesny habang sinusubo sa akin ang isang pirasong kikiam niya.

"Sama na lang tayo pag bibili na silang materials. Sabay lang tayo sa kanila tapos iwan na natin sila. Libot tayo," sabi ko.

Sa totoo lang wala akong alam kung saan ang sakayan at kung paano ako makakarating sa patutunguhan ko. Hindi ko alam ang mga pasikot sikot sa bayan pero ang lakas ng loob kong mag-aya.

"Wala akong pera."

Gusto kong dunggulin si Jesny dahil wala na naman siyang pera.

"Hingi ka sa inyo kahit one hundred lang. Sagot ko na pagkain mo!" mayabang kong sabi. Hindi naman siguro ako maghihirap kung babawasan ko ng kaunti ang ipit ko sa notebook. Ipon ko 'yun para sa future.

"Naks naman! Ako rin walang pera e."

"Ako na lang din kaya ang magpaaral sa inyo?" Sarkastiko kong saad habang pinanlalakhan sila ng mata.

"Joke lang! Mayaman ako, 'no!" biglang bawi ni Anastasia. "Mayaman sa pagmamahal!" She even make a finger heart and kisses it.

"Jusko, Maria Elizabeth!" I exclaimed. The woman on our opposite side points at herself.

"Ako po?" she asked. She was hesitant at first but she still asked.

Gusto ko na lang magpalamon sa lupa habang pilit akong umiiling sa kanya. Nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan. I look at her ID and there, her name was really Maria Elizabeth. Nakakahiya.

"Thank you po," sabi ko sa tindera habang hinihila ko ang dalawa paalis sa motor na pinaka-stall nung babae.

"Maria Elizabeth pa nga!" nangaasar na sabi nung dalawa.

Nakagawian ko na kasing banggitin ang Maria Elizabeth pag nakukunsume ako o pag nagugulat. From now on, hindi ko na 'yun sasambitin.

"Shut up."

Tatawa-tawa nilang sinubo ang natirang pagkain. Hanggang sa isang linggo ko maiisip ang kahihiyang ito.

Pinakita sa amin nung leader kung ano ang sasayawin. Kung sumali talaga ako ro'n sa sayaw na 'yon ay hindi pa nagsisimula ay may damage na ang pang eighty five years old kong buto.

Nakamamatay 'yung gusto nilang mga steps! Hindi naman sila mga professional, pag may nahulog sa kanila sana si Ace na lang para walang pabida sa room ng ilang araw. Joke lang! Baka sana magkatotoo!

"Mga anak, sa loob lang ng campus magpractice at baka kung ano ang mangyari sa inyo," sabi ni Ma'am. Alam kong hindi naman masusunod 'yon dahil last year kung saan saan kaming bahay nakikigulo. Zumba ang sayaw naman noon. Lahat dapat kasali kaya wala akong choice, para akong tuod.

Strums of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon