20

22 2 0
                                    

Happy reading :)

-

"Wala tayong dapat pag-usapan, Levielle," sabi ko bago pumunta sa pila. May malapit na fastfood dito sa Wave kaya doon nalang ako bumili ng pagkain naming apat.

"But I want to tell you everything."

Bumuntong hininga ako pero hindi na rin naman siya pinansin. Sumunod siya sa akin at habang nagsasabi ako ng order ay panay ang pagsundot niya sa tagiliran at pisngi ko.

"Stop that."

"Sige, hindi na."

Ako ang naghawak ng drinks namin habang siya ang may kipkip ng dalawang paper bag para sa pagkain namin. Nanahimik na rin naman siya sa pangungulit na mag-usap kami at payapa nalang kaming naglakad na dalawa.

Tinigilan niya nga ako pero panay naman ang pagsulyap niya sa akin. Ilang beses akong umirap sa hangin.

"Subukan mong itigil ang motor mamaya, habang buhay kitang hindi kakausapin," pagbabanta ko. Siya ang maghahatid sa akin pa-uwi. Inunahan ko na siya dahil alam kong ganoon nga ang kanyang gagawin para lang makapag-usap kaming dalawa.

Bahagyang nanlaki ang mata niya na tila mo may nalaman akong hindi naman dapat. Hihirit pa sana siya nang maihatid niya ako sa amin kaso inunahan ko na siya ng pagpapaalam.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw ko siyang kausapin. Parang natatakot ako dahil may hinuha na ako sa mga gusto niyang sabihin.

Oo, palagi akong takot pero ginagawa ko lang ito para sa kapakanan ko. Inilalayo ko lang ang sarili ko sa sakit at kapahamakan.

Nung mga sumunod na araw ay hindi naman niya ako kinulit na siyang ikinatuwa ko. We just go on with the things that we usually do. Sabay kaming nag-aaral sa coffee shop every time na maaga natatapos ang pareho naming klase.

Curious din naman ako kung anong gusto niyang sabihin sa akin pero isinantabi ko ang lahat ng iyon.

"Pansin kong matagal na kayong magkasama ni Levielle, kayo ba?" tanong ng kaklase ko. Umawang ang labi ko.

I chuckled. What kind of hell is she talking about? Marahan lang akong tumatawa dahil hindi ko alam kung paano sagutin ang katangahan ng kaklase ko.

Madami na ring nagtanong sa akin nito pero tawa lang ang isinasagot ko sa kanila. Hindi ba halata na magkaibigan lang kami? Lahat talaga nilalagyan nila ng meaning.

"Hindi ba? Ang swerte mo kung jowa mo ang isang 'yun. He's a big catch. Matalino, may pangarap, magaling kumanta, marunong maggitara at higit sa lahat gwapo!"

"Oo, Morriella! Pangalan palang pogi na! Levielle Eleanor." Ibinuka niya ang haniyang braso nang banggitin ang pangalan ni Levielle.

Pilit kong inaangat ang gilid ng labi ko para ngumiti sa mga pinagsasabi nila. Bakit ba ako napunta rito? Ang nonsense nila mag-usap. Gwapo naman talaga si Levielle pati ang pangalan niya pero bakit kailangang harap harapan nilang ipakita ang pagkagusto nila sa tao. Naiirita ako.

"Ipakilala mo na lang ako kay Alorma," sabi nung presidente namin sa room. Umakto akong hindi iyon narinig. Alorma pa ang tawag para maiba, feeling special.

"Ayaw mo ba?" nang-aasar na saad nito. "Wala namang kayo pero ayaw mong ipakilala. Sige, kay Ronquillo nalang."

Ang impaktang ito, feelingera.

"Gusto mo bang maglove life? Bakit kay Morriella ka naghahanap. Pakilala, pakilala. Kahit na ipakilala ka, hindi ka naman no'n magugustuhan," sabi ni Peace. Hindi naman siya nakikisali sa usapan kanina pero nang sumabad ang president kuno namin ay nagsalita na siya. Sa lahat yata ng narinig ko simula kanina, ito lang ang pinakanagustuhan ko.

Strums of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon