21

30 0 0
                                    

Happy reading :)

-

Madaming oras na ang nilulan ko para isipin kung bakit biglang nagkaganoon si Levielle. He suddenly ungrasp the thing that he love the most. Hindi iyon normal.

Nawalan ng pagmamahal... posible pero mahirap paniwalaan.

"Ayos ka lang?" Ani Steve. Sabay kaming naglunch pero 'yung utak ko yata nasa ibang dimensyon kaya hindi ko mapagtuunan ng pansin ang mga sinasabi niya.

"Yeah."

"You don't look fine. May masakit ba sa 'yo? Pwede ko namang kausapin 'yung mga professor natin para mai-excuse kita. Dadalhin kita sa infirmary."

Bahagya lang akong umiling. Hindi ko gustong nangyayari 'to. I don't like things going through my time when I am studying. Study is for study, wala dapat na nakikisingit doon pero nagawa ni Levielle na patakbuhin ang utak ko about sa kanya ngayong nag-aaral dapat ako.

Kung pwede ko lang pukpukin si Levielle sa utak ko, ginawa ko na.

Hindi naman ganito kakulit si Levielle sa totoong buhay. If I told him to stop, he will. Pero itong mga little devilish Levi sa utak ko, naga-upgrade pa yata ang kakulitan.

I made up my mind. Even it is hard for me to accept those things that he said, I will respect his decision. I am being too nosy. Hindi ko siya dapat pinilit at pinakialaman. Alam ko, mali ako. Maling mali.

I will try to talk to him later. I won't push him to continue what he doesn't want to do anymore. He already made up his mind. Kung mahirap ito sa akin, mas mahirap iyon sa kanya. Hindi ako makakatulong kung ipapatuloy ko pa ang pagpilit sa kanya. I will try to comfort him instead.

As his partner in crime, I want to help.

Ang dami niyang naitulong sa akin. He looks snob and hard on the outside but he's the source of my positive energy. Isa siya sa naging dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Nang mayari ang lahat ng klase namin ay tumambay ako sa Wave. I posted a story on my facebook to gave him a clue that I am here. Palagi siyang lumilitaw lalo na pag alam niya kung nasaan ako.

Maya't maya akong nagtitingin sa phone ko kung naview na ba niya ang story ko. Marami rami na rin ang nakakaview at inisa-isa ko pa ang mga iyon para makita ang profile niya.

I took turns checking my phone and reading my book. Every five minutes kong ginagawa iyon.

Lumipas ang mga oras na hindi siya nagpapakita. Siguro nga, feelingera lang ako para mag-assumed na nagkikita kami dahil sa mga stories ko, maybe it was just a pure coincidence na nilagyan ko ng meaning.

Malapit ng gumabi kaya nagstory ulit ako. Tinutok ko ang camera sa mga books ko at nilagyan ng text ang picture. Still here. Maliit lang naman ang text pero makikita naman.

Siguro hindi na siya magpapakita.

Madilim na ang kalangitan at hindi ko na masyadong maaninag ang text na nasa book ko kaya unti-unti ko iyon iniligpit. Kahit na ayaw ko dahil umaasa talaga akong dating siya ngayon.

Sadyang binagalan ko ang mga pagkilos para lang hintayin siya kahit na wala talagang kasiguraduhan iyon pero umaasa ako.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang mayari ako pero wala pa rin siya. Baka busy siya ngayon, bukas nalang.

Naka-uwi ako sa bahay nang siya lang ang iniisip. Daig ko pa ang problemado at parang bitbit ko ang mundo. I didn't see him today.

"Bagsak ka ba?" natatawang tanong ni Mikyo sa akin. Inungusan ko lang siya at nagpatuloy sa kwarto para ibaba ang mga gamit.

Strums of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon