11

19 3 0
                                    

Happy reading :)

-

I looked on the east, only to find out that the sun hasn't risen yet. Malamig pa ang paghalik ng hangin sa balat ko pero hindi ko pa sinusuot ang sweater na dala ko, hinayaan ko lang itong nakasablay sa kaliwang bahagi ng braso ko.

"Ang aga mo." Halos mapatalon ako sa gulat nang lumabas si Nanay sa pintuan sa likod ko.

"Yes, Nay. Punta po kami sa Baguio, kasama ang mga kaibigan ko."

Hindi na kami nakapagcheck in sa resort ni Tita dahil pinayagan naman na ako nila Papa, sa susunod na lang siguro.

"Mag-ingat ka roon. May dala ka bang damit panglamig?"

Tumango lang ako at nakita ko na ang sasakyan na dadalhin namin papuntang Baguio. Halos hindi nga ako nakatulog kagabi, hindi ko ba alam kung exited ba ako o ano.

"Good morning," Levielle greeted in his hoarse voice. He was wearing a warm grey hoodie. Bumaba siya para kuhain ang mga gamit ko. Hindi naman ganoon kadami ang dala ko, sakto lang sa two days stay namin.

"Good morning po," bati niya kay Nanay at saka nagmano. Tumango lang ito at itinaas ang kamay biglang pagbati.

Habang pasakay ako sa loob ay nakaalalay sa baywang ko si Levielle. Narinig ko pa ang kaniyang pagkausap kay Nanay bago tuluyang pumasok.

"I will take care of her po, don't worry. I promise to get her home safe and sound."

Nagpaalam siya at saka tumabi na sa akin.

"Happy morning, Moriella," Zami said in his low voice when I got in. Yakap yakap niya ang isang unan at handa ng matulog ulit. Si Eros naman ay tulog na katabi ni Zami.

Sa dulong bahagi kami nakapwesto ni Levielle kaya kung hindi pa kami lilingunin o titignan sa rear view mirror ay hindi nila kami makikita. He handed me a grey neck pillow after moments of silence in the car. Tahimik lang akong nakatingin sa labas pero nakuha niya ang atensyon ko nang iabot niya sa akin iyon.

"Thank you," paos kong saad, ngumisi siya dahil doon. Isinuot ko iyon kaagad sa leeg ko para kung sakali mang makatulog ako ay hindi ako mangangawit.

"Share tayo?" mahina niyang tanong habang inilalahad sa akin ang isang bahagi ng puting earphone niya.

Walang salita kong kinuha 'yon sa kamay niya. The earphones wire was like a thing that connects us with each other. It was like an instrument that will make me feel at ease and will make me sleep in the meantime.

Pagkagising ko, nakahilig na sa akin si Levielle. Magkapatong ang kamay naming dalawa sa pagitan namin. If I remember it clearly, we had such distance when I fall asleep but we are so close now. Too close to the point that I could hear his breathing.

Out of instinct, I held his head para hindi mahulog ang ulo niya sa balikat ko when we encounter a bump in the road. Umungot siya kaya akala ko ay nagising na pero parang iniayos niya lang ang pwesto sa balikat ko. Sana lang hindi siya matigasan sa buto ko.

I look at his slightly pouted lips. Nakakunot ang noo niya habang ang pilikmata ay mas lalo lang nadedepina dahil nakapikit siya. Too bad, I couldn't see his exquisite eyes.

"Picturan ko kayo?" saad ni Zamira at saka kami itinulak ni Levielle. We have Burnham Park's lake as the background.

Umakbay sa akin si Levielle nang makabilang ng tatlo si Zami. T'yak kong bakas ang gulat sa mukha ko sa picture kaya nang bumilang ulit si Zamira ay mas nilawakan ko na ang ngiti.

Nang matapos na kami magpicture ay tinignan ko ang mga bangkang naglalayag sa gitna. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpunta ako ng Baguio pero ito ang unang pagkakataon na humanga ako sa ganda nito.

Strums of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon