05

31 4 4
                                    

Happy reading :)

-

As usual late na naman ako pero wala namang kaso 'yun dahil may program naman sa school. Anastasia chatted me last night and said that I need to buy blue ribbons because Rhian's ribbon is missing. Syempre, hindi ko sineen 'yun at hindi na lang nagbukas ng messenger hanggang ngayon. Wala namang bilihan sa amin at saka si Rhian ang naka-assign sa props, pumayag na nga akong maging assistant.

I was all uneasy thinking about the ribbon. Nakokonsensya ako kaya bumili na ako sa labas bago pumasok sa school. Para rin naman sa amin 'yun. Minsan talaga, ang sama ng ugali ko pero hindi ko kayang magstay na unbothered lalo na pag nalaman ko na ang isang bagay.

"Did you buy the ribbon?" tanong ni Rhian nang makapasok kami sa room.

Tumango lang ako at saka pinakita ang binili ko sa labas.

Busy na ang mga classmates ko sa pag-aayos ng buhok dahil isang oras na lang ay maguumpisa na ang program. It will be ess hassle kung magtatali sila ng buhok at saka magalaw ang cheerdance. Kung ayaw mong masapok ang mukha mo ng buhok mo ay talagang magtali ka ng buhok.

"The best ka talaga!"

Binigyan ko lang siya ng sarksastikong ngiti. Kinuha ko ang hairwax kay Maine dahil hindi tama ang ginagawa niya. Gusto niya yatang makalbo ang kaklase namin dahil sa sobrang dami niyang ina-apply.

"Morrie, come here. I'll tie your hair," Jesny said as she pulled me to her chair. Iniabot ko na lang kay Hershey ang wax para siya na ang maglagay sa iba naming classmate dahil tapos naman na siyang mag-ayos.

Jesny braided my shoulder-length wavy hair on two sides along with the blue ribbon, it represents our section. Nagbunutan kasi last time, mabuti na lang blue ang binili namin ni Rhian noon.

Anastasia's long hair is already braided like mine. Si Jesny naman ay pwersahang hinila si Valerie para ibraid ang buhok niya.

Nang maayos na ang lahat ay kanya kanya ng sibat ang mga kaklase ko. Narinig ko pa kanina na makikipagkita si Mycaela sa boyfriend niya sa kabilang building.

Napailing na lang ako dahil imbes na suportahan ang section namin ay naglibot lang sila. Mabuti nalang nagattendance kami. Nang makarating sa akin 'yung papel, akala mong nilukot at ibinalik lang sa dating ayos. Ang dudugyot.

"Morrie, hindi ka aalis? 'Di ba pag may ganitong event kasama mo sila Mike?"

Umiling ako. Mike was my friend when I was in grade eight and his girlfriend was my former best friend but we just basically grew apart because we are not classmates anymore. Masakit mang tanggapin ay natanggap ko rin. Not everyone will stay by your side and even those people who promise to you that they will stay will definitely leave you behind. Oli's the only one who didn't leave me behind. Alam ko kasi kaklase ko siya ngayong taon and if not, we'll definitely grow apart too.

Alam ko rin na nagtatampo sila Asia pag sumasama ako sa dati kong kaibigan dahil palagi ko na lang silang iniiwan but I learned my lessons.

Hindi na sila 'yung dati kong kaibigan. Nagbago na sila at ang relasyon naming akala kong hindi mabibitak ay nagkalamat dahil lang sa pagkawala namin ng komunikasyon sa isa't isa.

I don't have many friends but I know in myself that I am in the right group.

Anastasia and Jesny have been my friend for almost two years now.

"Nakapag-attendance naman na at panghuli pa 'yung mga classmates natin kaya let's take a break muna."

Sumunod sila sa akin kahit na hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Madaming nakalabas na estudyante at t'yak kong kanina pang umaga ubos ang special menu sa cafeteria kaya wala rin namang sense kung bibili kami roon dahil ang jhonson lang ang maabutan naming tatlo.

Strums of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon