13

13 3 0
                                    

Happy reading :)

-

Talaga ngang hindi biro ang senior high. Malapit na akong mag college. Palagi akong kasama sa honors pero hindi ko alam kung bakit parang stock ako sa kung nasaan ako ngayon. Dati wala naman akong pakialam sa mga bagay-bagay pero nang mamulat ako sa katotohanan ay bigla na lang akong kinabahan sa kung ano mang kahahantungan ko.

Maybe, I woke up from the fourteen years of dreaming that this life is like fantasy and now that I am seventeen and soon to be a college student, I became more aware that the reality was really cruel. Tatlong taon na akong mulat sa katotohanan pero hindi ko pa rin malaman kung paano ako makakatakas dito.

"Morrie, may boyfriend ka na?" Pangbungad sa akin ni Papa nang maka-uwi ako galing sa libot namin nila Eros.

I was shocked because he asked me directly even though I really made it clear to them that I don't have a plan to have a man at this age.

"Ha? Wala po." Sinamahan ko iyon ng marahang pag-iling. Wala naman kasi talaga.

"Huwag mo akong pinagloloko. Sinasabi ko sa inyo, 'wag na 'wag niyo akong lolokohin," he said hardly, I can sense the threat of his voice.

Kahit anong pananakot sa akin wala akong mailalabas dahil wala naman talaga. Bata pa ako.

I sigh when I enter our room. Saan naman nakuha ni Papa ang ideyang iyon?

"Anong ibig sabihin ni Papa, Ate?" Mahina kong tanong kay Ate na nakahiga sa kama niya.

"I don't know." Nagkibit balikat siya. "If you have a boyfriend just tell them. Hindi naman ganoon magagalit si Papa kung sasabihin mo ang totoo. Just be honest with him."

Umupo ako sa dulo ng kama ko. Hindi rin nakatulong ang sinabi niya. Paano nga ang gagawin ko kung wala naman talaga. Hindi ako aware na may boyfriend ako. Sino naman kaya ang lalaking boyfriend ko raw?

Ilang araw rin akong umiwas kila Papa dahil ayoko ng konprontasyon na wala naman akong kaalam-alam. Ayokong uminit ang ulo ko dahil sa pamimilit nilang may boyfriend ako. Natatakot akong mapagtaasan ko sila ng boses dahil kahit na paulit-ulit kong itanggi ay parang lumalabas lang sa kabilang tainga ang aking mga sinasabi.

"Morrie, halika dito," tawag sa akin ni Mama. Hawak niya ang kanyang cellphone at pag ganito ang ayos namin ay alam kong may itatanong siya tungkol sa social media.

Lumapit ako sa kanya. Papa is not around and I don't know where he went. Basta ang alam ko nakakahinga ako ng maluwag dahil walang tanungang magaganap. Daig ko pa kasi ang frustrated na estudyante na hindi nakapagreview sa exam day, as in kahit na ano'ng piga ko sa utak ko wala akong makalap na ideya kung tungkol saan ba ang sinasabi ni Papa. Parang nagsasalita siya ng alien language na kahit ilang beses niyang ulit ulitin ay hindi ko maiintindihan.

"Eto. Tignan mo." Iniharap niya sa akin ang cellphone niya. Nagulat ako nang makita ang litrato naming dalawa ni Eros kasama ang cake, naka-akbay ito sa akin habang ako ang may hawak ng cake. Apparently, congratulations, love from the cake was showing in the picture. If you don't know that we are only friends you will conclude that we are together.

Mayroon ding kopya si Mama ng buong itsura ng cake na sa pagkakatanda ko ay si Zamira pa ang kumuha ng litrato. Hindi naman isesend ni Zami ito kay Mama kaya ang tanong na nasa utak ko ay sino ang nagbigay ng kopya kila Mama? At paanong nakuha itong picture?

"A-ano 'to, Ma?"

"Picture! Hindi ba't ikaw 'yan."

Napakamot ako sa batok. Alam kong picture 'to.

Strums of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon