Chapter 8

251 24 7
                                    


Ilang minutong paglalakad pataas ng mataas at matarik na bundok si Lucious Luxx Silvershades. Kitang-kita ang labis na determinasyon sa mga mata nito. Hindi maipagkakailang ang kaniyang sariling isipan ay nakatuon lamang sa maaaring mangyari sa kaniya sa loob ng Copper Bone Mirror na papasukan niya.

Sa loob ng mapapadpadan niyang lugar ang totoong layunin ng mga Copper Bone Mirror na nakakalat sa iba't-ibang parte ng Barren Lands na ito.

Kitang-kita sa mukha ni Lucious Luxx Silvershades nang tuluyan niyang napansin at natanaw sa hindi kalayuan ang nasabing Copper Bone Mirror.

Napakaganda ng nasabing Copper Bone Mirror lalo pa't mararamdaman mo talaga ang pakiramdam ng ancientness nito at ang misteryosong enerhiyang nakapaloob sa salaming ito.

Maya-maya pa ay nakarating siya sa harap nito at dito niya nasilayan ang disoriented na repleksyon ng sarili niya. Makikita niyang mayroong mga paggalaw sa loob ng Copper Bone Mirror na masasabi niyang ito'y tunay na nakakamangha.

Kung sino man ang gumawa at nagmamay-ari ng nasabing mga Copper Bone Mirror sa lugar na ito ay masasabi niyang isang napakalakas na eksperto. Hindi maaaring lumitaw lamang ito o di kaya ay nagawa lamang ito ng kalikasan.

Walang inaksayang oras si Lucious Luxx Silvershades at mabilis na pumasok sa loob ng Copper Bone Mirror.

Ngunit hindi aakalain ni Lucious Luxx Silvershades na hindi pala magandang ideya ang ginawa niya dahil nakita niya na lamang ang sarili niyang mabilis na bumubulusok pabagsak sa kalupaan na kung saan dinala siya ng nasabing pambihirang salamin.

"Hmmp! Hindi ko aakalaing sa unang paglalakbay ko ay mukhang papaslangin pa ko ng Copper Bone Mirror!" Mapaklang saad ni Lucious Luxx Silvershades sa kaniyang sariling isipan lamang. Sinong mag-aakalang ang isang katulad niya ay magiging ibong walang pakpak na pabagsak sa lupa.

Mabilis na pinagana ni Lucious Luxx Silvershades ang kaniyang sariling Mirror Dimension. Isang pambihirang bagay na dinala ng nag-aruga sa kaniya na si Lola Ersula.

Agad na pumasok si Wong Ming patungo rito upang makaligtas siya sa pagbulusok niya. Ayaw niyang mamatay man lang o magkapinsala dahil baka kung ano'ng klaseng panganib ang naghihintay sa kaniya sa kalupaan.

Agad na naglaho ang sariling katawan ni Lucious Luxx Silvershades sa lugar na ito. Ikinubli siya ng pambihirang Mirror Dimension na nasa kaniyang pangangalaga.

Gamit ang mga natutunan niyang mga gamit ng Mirror Dimension niya ay ligtas siyang nakatapak sa lupa. Hindi niya pinag-aksayahan ang sarili niyang manatili lamang sa lugar na ito.

Wala namang napansing si Lucious Luxx Silvershades sa lugar na ito liban na lamang sa katubigan at matitigas na batuhang nasa paligid niya.

Hindi alam ni Lucious Luxx Silvershades kung saan mag-uumpisang maglakad ngunit hindi siya nagdalawang-isip na lumayo sa katubigan. Masyadong malabo ang katubigan na maituturing niyang mapanganib.

Thump!

Mabilis na lumabas si Lucious Luxx Silvershades sa kaniyang Mirror Dimension. Masasabi niyang ang lugar na kinaroroonan niya ay talagang napakatahimik na masasabi niyang hindi normal. Nakakabingi kasi ang katahimikan at wala man lang siyang nakikitang mga demonic beasts na nasa paligid.

Maya-maya pa ay nakaramdam si Lucious Luxx Silvershades nang tila pag-uga ng lupang kaniyang tinatapakan maging ang tubig ay tila nagkaroon  ng ripple na tila ba mayroong abnormalidad na nangyayari sa lugar na ito.

Hindi natigil ang nasabing pag-uga ng lupa na tila ba may yumayanig rito na kung anumang nilalang o bagay sa likod nito.

BANG! BANG! BANG!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LORD OF THE REALMS [GODLY SERIES #5]Where stories live. Discover now