Chapter 6

328 46 13
                                    

Sa loob naman ng Teleportation Array ay makikitang naglalakbay ang matandang babaeng si Ersula kasama ang abtang prinsipe na si Luciouss Luxx Vermontt.

Kasalukuyang sapilitang pinatulog ng matandang babaeng si Ersula ang batang si Luciouss Luxx Vermontt.

Nakaramdam kaso ng ibayong kaba at panganib ang matandang babaeng si Ersula. Tila ba hindi niya masabi ito ngunit alam niyang dulot ito ng kaniyang abilidad na nakuha mula sa kaniyang pinag-aaralang Cultivation Manual. Ito ay parang isang clervoiyance ability ngunit hindi naman ito ganoon kalakas at kadalasan ay tama naman ang kaniyang intuition patungk rito.

Gamit ang kaniyang kakaibang Cultivation Manual na pinag-aralan ay kaya niyang magkaroon ng Cultivation Technique at mga corresponding skills upang makuha niya nag tamang mga panggamitan at benepisyong makukuha sa nasabing pambihirang libro.

Dahil hindi na mapakali ang matandang babaeng si Ersula ay mabilis siyang gumamit ng isa sa kaniyang pambihirang Skill.

Skill: Tracing danger!

Ang Tracing danger ang isa sa pambihirang skill niya na kayang-kayang sumagap ng kakaibang dangerous signals mula sa kaniyang paligid.

Ang kaniyang sariling angkan at mga kasapi ng angkang kaniyang pinagmulan ay ganito ang halos mga abilidad at kapangyarihan nila na maituturing na non-combat kaya masasabing ang angkan nila ay  napakalampa, napakahina at walang dudang itinuturing na basura lamang dahil sa abilidad ng kanilang Cultivation Manuals.

Ngunit para sa matandang babaeng si Ersula ay masasabing mayroong kakaibang lihim na nakatago sa kanilang pambihirang mga Cultivation Manuals na ito. Ewan niya ba kung ano ito. Kahit siya ay hindi makapaniwala na noon ang kaniyang pinagmulang angkan ay isang napakahinang angkan lamang. Nakatala sa kasaysayan ng kanilang angkan ang labis na kasaganaan at paglitaw ng napakaraming mga Martial Art Genius na siyang masasabing napakalakas ng mga ito.

Magkaganon man ay lahat ng iyon ay nabaon na lamang sa nakaraang henerasyon at sa kanilang panahon sa kasalukuyan ay wala na atang lumitaw pa sa kanilang angkan ang isang henyong indibiduwal.

Napakakapal ng libro at masasabing napakakomplikado ng mga nakasulat sa Cultivation Manuals na ito. Mayroong mga ancient writings na himdi niya lubos maintindihan at ang ibang mga instructions at mga nakasulat ay hindi niya gaanong maintindihan. Nangangahulugan lamang na hindi siya isang henyo at taliwas sa mga heroic deeds na nakatala sa kasaysayan ng kanilang angkan ay wala siyang naiambag na malaki (great merits/great contributions) kaya kagaya ng iba nilang mga kasapi ng angkan ay ginawang pambaya lamang sila sa iba't ibang mga kaharian at mga tribo upang gawing mga alipin, alila, katulong at iba pang trabaho ng mga mahihinang nilalang. Wala silang karapatang magreklamo o magtanong ng mga bagay-bagay dahil kapag binili ka nila ay ganon na lamang kaliit ang halaga mo sa kanila.

Lumaki siyang isang mabuti at masunuring anak. Hindi man ganoon kalaki ang angkan nila at kalakas ang pundasyon ng angkan nila na unti-unting nagde-decline habang papatagal ay masasabing naging normal naman ang lahat ng ito.

Ngunit nang mamatay ang kaniyang sariling mga magulang na hindi niya nakukuha ang hustisya sa pagkamatay ng mga ito ay talagang napuno ng galit ang puso niya. Yung tipong alam niyang mayroong itinatago ang angkan nila mismo mula sa kanila ay talaga namang nakakainis at nakakagalit ngunit wala siyang nagawa.

Ang naging buhay niya pagkatapos nito ay nasundan pa ng masalimuot na pangyayari. Yung tipong masasabi niyang napaka-unfair ng mundong ito.

Naramdaman na lamang ng matandang babaeng si Ersula ang isang kakaibang enerhiyang mabilis na pabulusok sa kanila.

Mabilis siyang nagmulat ng kaniyang sariling pares na mga mata.

"Hmmm ... Ano iyon?!" Malakas na naibulalas ng matandang babaeng si Ersula nang mapansin niya ang kakaibang enerhiyang papunta mismo sa kanilang direksyon kung saan sa kanilang sinasakyang karwaheng pangkawal. Tila ba parang may  sariling buhay ito.

LORD OF THE REALMS [GODLY SERIES #5]Where stories live. Discover now