Chapter 5

213 34 0
                                    


"Hmmp! Hindi ko aakalaing mayroon kayong lakas ng loob na hindi ako irespeto bagkus ay ininsulto niyo pa ako hmmmp!" Sambit ng lalaking Royal Guard habang mabilis nitong itinutok ang nasabing espada nitong sa direksyon ng limang mga kawal na puro pana ang mga sandatang kinasanayan ng mga ito.

Dahil sa mga sinabi ng limang mga kawal na nasa kanilang mga harapan na pawang pana ang hawak na sandata ng mga ito ay hindi na nagpigil pa ang mga Array Formation Guards na hindi magbitaw ng mga salita laban sa mga ito.

"Hindi katanggap-tanggap ang ginawa niyo. Humingi na kayo ng paumanhin bago pa mapuno sa inyo ang aming pinuno."

"Dapat lang na magbayad kayo sa kawalan ng paggalang niyo!"

"Hindi makatarungan ang inyong sinasabi!"

"Lakas niyong makainsulto pero isa lamang kayong hamak na Bow and Arrow Users!"

Ilan lamang iyan sa sari-saring mga komento ng mga Array Formation Guards habang makikitang tila nagpupuyos na sila sa galit. Humigpit na ang hawak nilang mga sandata.

Ngunit lahat ng mga salitang ito ay tila hindi nagpatinag ang mga Bow and Arrow Guards sam ga sinabi ng mga Array Formation Guards at tila hindi sila nagpakita ng anumang tanda ng pagsisisi o walang senyales ng pagbabalak na bawiin ang simasabi ng mga ito.

"Hmmp! Wala kaming pakialam sa sinasabi niyo!"

"Sino ba naman kasi ang nagsabing nagsisisi kami, totoo namang napahina niyong grupo at grupo kayo ng mga lampang kawal."

"Mga walang ambag sa ating kaharian na Heaven Arcane Kingdom!"

"Heh! Pinakamahinang grupo ng mga Array Formation Guards, sino ang tinatakot niyo!"

Hindi nagpatinag ang limang kawal sa pagbabanta ng ilang daang mga kawal na naririto. Animo'y parang wala silang pakialam sa mga ito. Sa mga tingin nila na makikita ang pagiging arogante at mayabang. Kahit katiting na pagsisisi ay walang mabanakas sa mga ito.

Ang naging pananalita at kilos ng mga ito ay mas naging pandagdag sa nararamdamang inis ng mga Array Formation Guards. Labis silang nainsulto sa sinabi ng mga limang kawal na ito.

Napangiti naman ang Royal Guard sa hanay ng mga Array Formation Guards at muling nagwika.

"Kung ganon ay dadaanin na natin ito sa dahas. Hindi ko aakalaing ang tatapang ninyo to the point na lima lamang kayong pumunta rito hmmp!" Sambit ng Royal Guard habang makikitang bigla nitong iwinasiwas ang kaniyang sariling espadang napakatalas at napakahaba.

Mabilis na tumalon ito ng mataas papunta mismo sa direksyon ng limang kawal at mabilis nitong pinalasap ang ibayong lakas ng kaniyang sariling espada.

Ngunit ang ginawa niyang pag-atake sana ay mabilis na naramdaman ng Royal Guard na mayroong kakaibang enerhiyang papunta sa kaniya.

"Sneak Attack?! Hmmp!" Sambit ng nasabing Royal Guard na Array Formation habang makikitang nakita niya ang papalapit na pana sa kaniya.

Para maiwasan niya ang pagtama ng nasabing napakabilis na bagay na  paparating sa kaniya ay mabilis niyang binawi ang kaniyang atake at napaikot-ikot sa ere upang pumunta sa ibang direksyon upang i-envade ang nasabing atake.

Tila napasinghap naman ang mga Array Formation Guards dahil sa nasabing sneak attack na nangyari.

"Paanong nangyari iyon?! Hindi maaari ito!"

"Someone daes to sneak attack?! How bold!

"Napakaduwag naman ng nilalang na umatake na iyon! Sino ba naman kasi ang magsasabing aatake ito ng palihim!"

LORD OF THE REALMS [GODLY SERIES #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon