Chapter 7

136 24 4
                                    

Nasa harap ng matayog na puno ang isang binata. Kitang-kita ang tila mapupungay nitong matang tumutulo ang luha nitong nakatingin sa isang puntod. Puntod ng matandang minsang nagligtas sa buhay niya.

Maraming alaala ng kahapon ang hindi nawaglit sa isipan niya. Mga alaalang pinaghalong kaniya at ng matandang ginang na alam niyang nagligtas sa kaniya.

Nandito siya sa maunlad na mundo ng Celtran Belt. Isang mundong pinadalhan sa kaniya ng nagligtas sa kaniya. Gamit ang kaalamang meron ito ay nagawa niyang mamuhay ng walang inaalala sa mortal na pamumuhay ng mga nilalang na naririto.

Isa siya sa mapalad na namuhay sa mundong  ito kasama ang malalakas na mga kapwa niya Cultivator.

Maituturing na isa siyang wandering cultivator. Sa edad niyang sampong taong gulang ay nagawa niyang mag-ensayo at palakasin ang pangangatawan hanggang sa sinabay na rin niya ang sariling Cultivation niya.

Mula sa body transformation stages na nahahati sa siyam na stages ay natapos niya na ito sa loob lamang ng apat na taon ngunit ngayong nasa edad na labing-apat na taong gulang ay lubos siyang minalas dahil ang kaniyang sariling dantian ay mayroong depekto. Depektong hindi masosolusyunan ng sinumang manggagamot na nandirito sa lugar na kinaroroonan niya.

Sa loob ng planeta ng Celtran Belt ay nabibilang siya sa isa sa mga lungsod rito na tinatawag na Yellow City. Isang malawak at sibilisadong siyudad na hindi ganoon karami ang mga naninirahang mga mamamayan rito.

Ang siyudad na ito ay napapaligiran ng Yellow Twin River na isa sa mahahaba at magkaugnay na kulay dilaw na ilog na siyang hinango sa pangalan ng nasabing siyudad. Kaaya-aya ang lugar na ito habang makikitang hindi ito nagkaroon man lang ng kagulugan tandang makapamumuhay ang sinuman ng matiwasay rito sa mahabang panahon.

Lucious Luxx Silvershades, ito ang kasalukuyang pangalan at apelyido niya. Dahil sa abnormalidad ng pangangatawan niya at misteryosong katauhan niya ay tila lumalabas ang pagiging kakaiba niya sa lahat, kakaibang tila mpapansin ng nakararami. Ang malulugay nitong buhok maging ang mga mata nito ay halos maging kulay pilak na at kapansin-pansin na walang buhay ang mga mata nito maging ang kabuuang kaanyuan nito na taliwas sa kaanyuan ng mga naninirahan sa Yellow City.

Ang paggamit niya ng enerhiya ay hindi masasabing stable lalo pa't minsan gumagana ang kapangyarihan niya ngunit madalas ay hindi.

Mabilis na pumikit si Lucious Luxx Silvershades at mabilis na nakita niya ang sarili niya sa loob ng dantian niya. Kitang-kita niya ang walang buhay niyang dantian habang mayroon lamang mumunting mga hibla ng enerhiyang nagmumula rito.

Gumaling man ang mata niya dahil sa itinuturing niyang bayani at nagligtas sa buhay niyang si Lola Ersula niya ay  hindi nito nagawang pagalingin ang depektibo niyang dantian ngunit nagpapasalamat siya rito.

Ang totoo niyan ay nagpapasalamat ito rito dahil nagawa nitong isakripisyo ang buhay niya para sa kaniyang  sariling kapakanan. Utang niya ang buhay niya rito at dahil sa kaniya ay nagawa niyang mamuhay ng ligtas at payapa magpasahanggang ngayon.

Sinubukang kontrolin ni Wong Ming ang mga enerhiya sa loob ng katawan niya ngunit paulit-ulit siyang nabigo.

Sa loob ng ilang buwan ay hindi niya man lang maramdaman ang pag-unlad ng kaniyang sariling cultivation. Ni hindi siya makatapak sa susunod na lebel ng cultivation dahil na rin sa depektibo niyang dantian.

Mabilis na iminulat ni Wong Ming ang mga mata niya at mabilis na itinuon ang kaniyang paningin muli sa nasabing puntod ng itinuturing niyang sariling kapamilya niya na si Lola Ersula.

"Paalam Lola, Hanggang sa muli nating pagdalaw ko rito sa lugar na ito. Alalahanin ko ang mga alaalang iniwan mo sa akin maging ang iyong mga kaalaman. Hindi ko alam kung gaano ako nagpapasalamat. Hindi kita bibiguin, magiging malakas ako, mas malakas kumpara sa kaninuman lalong-lalo na sa pamilyang pinagmulan ko. Hinding-hindi ko hahayaang masayang ang mga isinakripisyo mo sa akin!" Seryosong sambit ni Lucious Luxx Silvershades ng malakas habang nakakuyom ang mga kamao nito. Lumuhod ito at nagbigay-galang sa huling pagkakataon habang makikitang tumulong muli ang luhang kanina pa nito pinipigilan.

LORD OF THE REALMS [GODLY SERIES #5]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora