Chapter 32

26 5 0
                                    

“Good afternoon, class. Pass your plates at 4PM on my office. Our today’s lesson is…”

I'm on my class right now.  History of Architecture ang subject namin ngayon, actually ang layo pa ng nilakad ko paunta dito dahil galing pa ako ng BS Arch 2B papunta dito sa BS Arch 4B.

Hindi ko alam kung bakit bored na bored ako sa subject na ‘to ngayon, samantalang nu'ng unang pasukan ay gising na gising ako sa klaseng ‘to.

May drafting pa kaming ipa-pasa

“Zy, sama ka? Pupunta kami sa The Mix-Up shop. G ka ba?” One of my blockmate asks when I bumped with them.

Natapos na ang last 2 subject namin ngayong hapon kaya naman uwian na. Gagawa na ulit ako ng plates.

I glance on my watch, magka-sabay kaming uuwi ni Chris sa condo ngayon, maaga pa naman at may klase pa si Chris ngayong oras. Naunang matapos ang klase ko sakan’ya ngayon dahil kaunti lamang ang lesson namin sa last unit ko ngayong hapon.

Icha-chat ko na lang siya.

Ibinalik ko anag tingin sakanila at tumango. Nag-simula na kaming maglakad patungo sa The Mix-Up, hindi na kami nag-sakay dahil malapit lang naman ito sa school. It was a coffee shop, and it was really famous at our university because of the coffee taste. And also, the pie there was so tasty!

Naka-rating na kami sa loob ng shop at agad naman pumila sa counter ang 2 kong ka-blockmates upang sila ang um-order. At kami namang natira ay nag-hanap ng pwedeng mau-upuan.

Nahirapan nga lang kami dahil anim kaming magka-kasama. Buti na lang pwede idikit yung isang mesa, pagkatapos ay umupo na kami at nag-intay ng order.

“ How was your day?” Samuel asks.

Jillian just nodded slightly and massage her forehead, “It was good.”

Mahina naman ako napatawa dahil do’n, napa lingon naman siya sa’kin at sumimangot.

“Good what? ‘Wag ako Jill, tulog ka sa ibang subject natin,” Naiiling na anang ko.

“ Wow, ah? Nahiya naman sayo na kasabay kong matulog sa likod ng room at mag-cram,” Bawi niya.

Pinanliintan ko namna siya ng mata ng pag banggit niya sa pagc-cram namin. Hindi lang naman kaming dalawa eh! The whole section kaya!

“Sorry ah? Nilasing mo kasi kami,” Pagpa parinig naman ni Cyther sakaniya.

“Sinabi ko bang sunama ka? ‘Di naman kita in-invite.”

“Grabe ka sa’kin, Jill.”

Napailing naman ako sa dalawa. Naalala ko lang ssakanila sina Cardi eh.

Habang naghi-hintay ay nag-tipa na lamang ng message para kay Chris. Pagka-baba ko ng telepono ko ay agad na nahagip ng mga mata ko ang matang nakatitig sa’kin ni Samuel.

I arched my brow at napa tikhim naman siya.

“How was your life being an Architecture student?” He asks.

My forehead somehow knotted but I still anwer, “Fun, I’m enjoying it.”

“Hmm, good. Kayo pa rin ba ng boyfriend mo?” Mas lalo naman na ngunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

“ Bakit?”

Maloko siyang ngumiti sakin “Wala… I’m just wodering if I could court you.”

“Hoy, Samuel, tigilan mo si Zy ah!” Sita sakaniya ni Cyther ngunit nginisian lamang ito ni Samuel.

Hindi ko alam ngunit agad na nagpintig ang tainga ko sa sinabi niya. Gago ba ‘tong taong ‘to!

MEMORIES (Best Five Ever Series #1)Where stories live. Discover now