Chapter 18

57 8 0
                                    

"HAHAHAHA sinong buang naka isip nito? Picnic ang peg natin?" Anang ni Cardi habang ngumunguya ng ini-bake ni Sandra na cookies.

Agad na tumikhim si Sandra,"Ako. Bakit may reklamo ka?"

Naubo naman si Cardi kaya malakas kong tinapik tapik ang kaniyang likod, "Hayop, Michaella! ‘Yung pagtapik mo ata may kasamang galit!"

Tumawa naman ako ng malakas kaya pati sila ay nahawa. Nandito kami ngayon sa lumang park kung saan kami nag ka kilakila. I mean sa school kami nag kakilalang lahat dahil sa away but dito kami nagbonding at nagkakilanlan sa mga sarili.

Ngayon narito kaming muli. Nagku kuwentuhan, nagtatawanan, nagku kulitan na para bang katulad lang ng dati. No'ng panahong mga bata palang kami.

Ang sarap sa feeling na naka bonding ko ulit sila ng ganito. Matagal tagal narin kasi mula nung maka punta kami dito. Kami lang rin ang tao dito ngayon kaya nakakapag ingay kami ng sobra.

"Ano na?Magta-tapos na tayo ng senior higschool wala paring jowa?” Anang ni Cardi kaya naman napatawa kami.

"Gusto magka-jowa pero takot sa commitment,who?!" Gatong pa ni Lia kaya naman nag-katinginan kami at sabay sabay sumiggaw.

"You!"

"Nanyo! Pangit niyo ka-bonding! ‘Yung totoo kaibigan ko ba talaga kayo?" Natawa na lamang kami sa naging reakyon niya at napailing.

"Hoy may chika ako. Alam niyo ba 'yang si Zy laging kasama ni Chris.Parang may something sila--"

I cut off Cardi by throwing him my things, "Gago ka! 'Di ba pwedeng naging close ko lang atsaka hindi nga backstabbing ‘yang ginagawa mo kundi front stabbing na!Punyeta ka!"

"Alam mo ghorl, bagay na bagay sayo yung second name at apelido mo. Lagi kang Zynniese at lagi karing high Blood!" Tumawa sya ng malakas kayat nahawa kami.


"Kamusta ang buhay school natin?" Bri asked.

Cardi raised his hands, "Ayon nakatayo parin. Sana all may naka tayo Charot! ‘Di joke lang. Ako ayos naman di ako nahihirapan dahil lagi akong naga-advance reading. Para sa future alam niyo na"

Then Bri raised her hands next,"Ako ayos na 'ko. Naiintindihan ko na yung mga subject, 'di na masyadong sumasakit ulo ko don HAHAHAHAH"

"Ako naman! Nahanap ko na yung brush ko after weeks HAHAHAHHA tapos may nag invite sakin sa isang painting contest, kaya lang live yon. Iniintay ko lang pumayag sila dad," Lia said proudly.

Tumingin naman kaming lahat kay Sandra na nakangiti. She's looking at us like a proud mom. Agad naman nawala ang ngiti niya ng mapansing lahat kami ay nagi-intay sa sasabihin niya.

"A-ah ano... Ayos naman ang grades ko name-maintain ko naman yung target grade ko..." she said and shrug but we're still waiting for her to speak again.

She sighs and smiled ng mapansin niya iyon, "I'm happy,kasi sumangayon na sila sa gusto kong kuning course sa college!"

We cheered our drink for her. That's how we're proud of her. Lahat naman kami proud sa isa’t isa pero mas lamang siya dahil now she can finally spread her wings.

"Ikaw, Zy, kumusta?" I looked at Bri who asks. Then they looked at me.

I smiled, "Katulad niyo, masaya rin ako. When I finally got Lolo’s assurance, ipagd-design at ipagpapatayo ko kayo ng sarili niyong bahay. Kahit ako pa sumagot sa lahat ng gastos. Charot!" Tumawa akong muli ngunit pilit.

MEMORIES (Best Five Ever Series #1)Where stories live. Discover now