Chapter 5

63 37 0
                                    

"Magpahinga kana, Hija. Wag ka nang mag-abala pang tumulong sakanila, may kabigatan din ang mga gamit na 'yan." Agad na humarap ako kay Tito Freddy ng marinig ko ang nag-aalalang boses nya.

Kasalukuyan akong tumutulong kina Manong Ralph at sa mga kasambahay sa pagbibitbit ng mga bags at mga maleta mula sa sasakyang nagtransport ng mga gamit namin ni Mom.

Yes, we are currently moving in to their house. My mom was still in our mansion, checking if we missed some stuffs.

"It's okay Tito. Wala naman po akong ibang gagawin ngayon aside sa pag-aayos ng room ko." Nakangiting tugon ko ng makita ang pag-aalala sa mukha nito.

"No, Hija. The maids can do all the work here. You can now go to your room." Malumanay na pagkakasabi nito. "Rest."

"Okay po." Hindi na ako nagpumilit pa dahil mukhang kayang-kaya naman ng mga kasambahay ang mga gawain. They keep on smiling at me from time to time, enough to make me feel comfortable on my first day here. "I'll go upstairs, Tito." Pagpapaalam ko rito.

"Oh sige, Hija. Just call a maid if you need anything. At kung may hindi ka nagustuhan sa room mo, don't be shy to tell me para mai-ayos o mapalitan agad natin, okay?"

"Yes, Tito." I gave him a thumbs up. "Thank you." I smiled sweetly at him. He was so nice to me.

Lumapit ito saka muling nagsalita. "We are family now, Heather. Wag kang maiilang na humingi o magrequest sa'kin." He patted my shoulder. "You can even call me Dad if you want to." Masayang wika nito.

"Salamat po." Napayuko ako. "Ahm... I think I am more comfortable with 'Tito', but if that's what you want, i'll try to call you-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang magsalita ito.

"No, no!" Agad na pagpigil nito sa'kin. "Don't push yourself if you are not comfortable, Hija. Hindi naman big deal sa'kin 'yon. Basta't wag mo lang iisiping naiiba ka dito." Humarap ito ng maayos at pinagkatitigan ako. "You are now my daughter, so enjoy your stay here and don't be shy. That's all I want for you to do."

"Opo, Tito. I will." I answered politely.

***

It was already midnight but I still can't sleep. Bumangon ako at umupo sa kama habang nakatulala. Siguro dahil naninibago lang ako sa kwarto ko ngayon. I opened my phone, it's already 12:37 AM.

Tumingin ako sa buong silid. My room looks so big and beautiful. Medyo napagod ako sa pag-aarange ng mga gamit ko kanina pati ang pag-aayos ng mga damit sa closet pero worth it naman dahil mas maginhawa na sa pakiramdam. Hindi na ako humingi pa ng tulong sa mga kasambahay dahil alam kong kaya ko naman mag-isa. I am the type of person who will not ask for help if I can do it by myself.

And that's... independence. Isa sa mga bagay na gusto kong dalhin hanggang sa pagtanda ko.

Tumayo ako at tumungo sa salamin upang tingnan ang itsura ko ngayon. I was wearing a Beige shirt and Violet, fitted shorts with a pair of Pink, Minnie mouse designed slippers.

Yeah, so childish. Pero hindi ako dapat mahiya dahil gabi naman na at siguradong tulog na ang lahat. I combed my hair using my fingers and tied it up in a messy bun.

After fixing myself, I immediately walked out of my room. I felt my stomach growling so I did what I have to do, maingat akong bumaba sa hagdan papunta sa kusina upang kumain. Madilim ang paligid at tanging flashlight lamang ng phone ko ang nagbibigay liwanag.

Sa totoo lang, hindi ako sanay magmidnight snack. In fact, ito ang unang beses na gagawin ko ito.

Tahimik at tila walang katao-tao sa mansyon ng mga oras na iyon. One of the reasons why I hate to eat in midnight is i'm afraid of ghosts. Yes, matatakutin akong tao, especially when it comes to the things our eyes can't see. And right now I could feel my fear slowly eating my mind.

Countless Mistakes Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu