Chapter 11

20 4 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit parang paulit-ulit na tinutusok ang puso ko sa nakikita. Ang suot nitong polo ay madumi, punit-punit, at may mga kakaunting bakas ng dugo. To be honest, I am afraid of blood. That's the exact reason why the stains on his shirt sent shivers down to my spine.

I immediately rushed on him. Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa mukha nito at pinagkatitigan ang mukha. "Raven?" I called. Puno ng pag-aalala ang boses ko.

Iminulat naman nito ang mga mata kaya't nagkatitigan kaming dalawa.

"Are you okay? What happened to you?" May mga pasa ito sa mukha. Bumaba ang tingin ko sa damit nito. "P-pwede ko bang tingnan ang mga sugat mo?" Nag-aalangang tanong ko rito.

He didn't answer.

He just stared at me.

Kaya nagpatuloy ako.

Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahang tinatanggal ang mga butones ng suot nitong polo. Nakita ko ang mga sugat at galos sa leeg hanggang sa mga braso nya. His chest was filled with bruises too, clearly enough to say that he was beaten so hard.

I gulped at the sight of it. Sya yung napuruhan, pero pakiramdam ko ako yung nasasaktan. "Answer me. Who did this to you?"

Of course, he remained silent.

I bit my lower lip.

"What have you done this time, Raven?" I asked again.

Hindi parin sya sumasagot kaya hindi na ako nagpaalam pa. Hinubad ko na ng tuluyan ang damit nito. And then I carefully put a pillow underneath his head to make him feel comfortable.

Tumayo ako at kumuha ng bimpo sa may cabinet. Pumili din ako ng pang-itaas roon na maari nyang isuot pansamantala. Saka kumuha ako ng lalagyan at tubig sa cr.

Papikit-pikit ang mga mata nito ngunit hindi parin maialis ang mga titig sa'kin. Seems like he's sleepy and exhausted.

He's weak.

'Don't worry, i'll take care of you.' Piping wika ko.

His dad will get angry again if he knew about this. Sana nga lang ay hindi na ito kumalat pa sa buong mansyon. Kapag nakarating 'to sakanya ay tiyak gulo na naman ang mangyayari.

Piniga ko ang bimpo at dahan-dahang inilapat sa mukha nya.

Napa-igik ito ng madampian ang noo nyang may mga pasa. He's in pain, iyan ang nasisigurado ko. Buong katawan ba naman ang napuruhan, tiyak na kahit sino ay mararamdaman iyon.

"I'm sorry." Agad na pagpapaumanhin ko. "Dahan-dahan lang 'to, wag kang mag-alala." I assured him.

Just like what I've said, dahan-dahan kong pinunasan ang mukha nya. Bawat dampi ng basang bimpo ay puno ng pag-iingat.

I did my best to be as gentle as I can. Ngunit hindi ko sinasadyang madiinan ang isang pasa malapit sakanyang bibig. I heard a grunt from him. Pakiramdam ko tuloy parang pinilipit ang puso ko. "God! I-I'm sorry. Mas dadahan-dahanin ko pa." Be more gentle, Heather! "Hindi ko sinasadya..."

Napapikit lang ito.

Sakto namang pupunasan ko ulit sya ng mapansin kong may kakaiba sa mukha nya. He's pale. Kaya hinawakan ko ang leeg nya, ngunit ga'noon na lamang ang pagkabigla ko ng maramdamang napakainit nya.

Mataas ang lagnat nito. At this rate, I should take the situation more seriously.

"You're so hot. That means you have a fever too. Is it because of your wounds?" Wala sa sariling tanong ko.

Napatingin-tingin ako sa paligid at tila ba'y nalilito kung anong uunahin kong gawin. I'm stuck between asking a help from a maid, or go take him to the nearest hospital.

Countless Mistakes Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum