Chapter 8

58 35 4
                                    

Maayos naman ang pagtatapos ng klase ngayong araw. As expected, nagbigay na ng mga projects at quizzes ang mga guro.

Kasalukuyan akong nakasakay ngayon sa sasakyang minamaneho ni Manong Ralph. Kakasundo lang nito sa'kin at papunta kami ngayon sa Walter para sunduin din ang kinakapatid ko.

I have to ready my speech for tomorrow. Gaya ng nakagawian, I was elected as the president of the campus officers. Maraming mga responsibilidad na naman ang naka-atang sa balikat ko.

Pero hindi naman 'yon problema para sa'kin. Sa katunayan nga, isang magandang opportunity 'yon upang mahasa ako lalo pa't balak ko 'ring sundan ang mga yapak ng pamilya ko.

I want to be a public servant too.

Although I don't see politics as a perfect choice, I don't see anything as a perfect choice either.

Siguro nga hindi ko pa alam kung ano talaga ang gusto ko. It's okay, maaga pa naman...

All I want right now is to please everyone. Lalo na sina Mom & Tito.

Naglapag ako ng libro sa hita at kumuha ng ballpen sa bag. Inayos ko ang bahagyang nalukot na papel at nagsimulang mag-isip kung ano ang magiging talumpati ko bukas.

Nang magsimulang magsulat ay inilagay ko kaagad ang mga ideyang kasalukuyang namamalagi sa isip ko.

To be honest, nakakaramdam din ako ng kakaunting takot at kaba sa tuwing magsasalita sa harap ng napakaraming tao. Sanay akong humarap sa madla mula noong pagkabata pa, pero tao rin ako, hindi ko 'rin maiiwasang kuwestyunin ang mga kakayahan ko.

Ngunit ang mga emosyong 'yon ay hinding-hindi ko ipinapakita sakanila. As long as I can pretend, hindi nila malalamang may kahinaan rin ako. I was known to be the 'almost perfect' heir of the Garcias'. People looked up on me. So, I wont disappoint them.

Never.

Paulit-ulit kong binasa ang mga naisulat upang tingnan kung may mga mali o hindi akmang mga salita. And then I realized that I already finished writing it in just a matter of minutes.

Hindi ako nakuntento. Paulit-ulit ko pang ini-ayos ito upang masiguradong maganda itong pakinggan. I want everyone to hear the best from me.

After minutes of ride, we finally arrived at Raven's school.

Dahan-dahang ipinuwesto ni Manong ang sasakyan sa parking lot. I looked at the three mighty buildings of Walter University. The structures itself looks so big and beautiful.

Nang bumukas ang bintana ay tumingin ako sa mga estudyanteng naglalakad patungo sa kani-kanilang mga sasakyan.

Ang mga suot na uniporme ng mga ito ay napakagandang tingnan. Men are wearing white shirts with navy blue tie and dark pants. Women on the other hand, are wearing white long sleeve shirts with sky blue ribbon and dark skirts.

Makailang minuto kaming naghintay roon.

At dahil wala pa naman si Raven ay muli kong itinuon ang atensyon ko sa sinulat na talumpati. Inilabas ko rin ang mga homeworks at notes para mabawas-bawasan kahit papaano ang mga gagawin ko mamaya.

Hindi na ako nagsayang ng oras at sinagutan kaagad ang mga ito.

The books i'm reading at home were far more difficult than our today's lesson. Sinadya ko 'yun para mas maging handa ako sa mga ituturo palang sa'min. Ang mga librong binabasa ko gabi-gabi ay pang-college level, way too advanced for the whole class.

Mas gugustuhin ko pang mauna tutal nakakaya ko naman.

I don't need a tutor too. I can review and ace my tests all by myself. Naiintindihan ko naman ang bawat aralin dahil sa tulong ng mga libro at pagreresearch sa internet.

Countless Mistakes Where stories live. Discover now