Chapter 14

24 4 0
                                    

We finally arrived at the mansion.

The guard immediately opened the gate for us but Dale refused to come in. Itinigil lang nito ang motorsiklo sa labas.

Nang huminto ay maingat na bumaba ako rito.

"Thank you for driving me home." I smiled sweetly at my childhood friend. "I guess we'll just see each other tomorrow?"

He just blinked. "Oo. Para namang hindi mo'ko classmate..."

"Oh sige na. Bye. Salamat ulit Dale." I tapped his shoulder before turning my back.

"Bye Heather. See you!" Malakas na wika nito saka pinaharurot na ang sinasakyang motor.

Tinitigan ko muna ang papalayong bulto ng kaibigan saka naglakad papasok sa loob. Umakyat ako sa ikalawang palapag at dumiretso sa kwarto upang makapagibihis.

I wore a simple orange T-shirt paired with sweat pants. Itinali ko ng pa-ponytail ang mahabang buhok saka naglagay ng kakaunting pulbo upang magmukhang mas kaaya-aya. I also put some lip-shiner so that my lips won't look dry. And lastly, sprayed some cherry scented perfume.

I looked at myself in the mirror before going out of the room.

Naglakad ako patungo sa kwarto ng kinakapatid kong si Raven na hindi naman kalayuan.

I knocked at his door for 3 times but no one answered. Naghintay ako ng makailangang segundo bago nagsalita. "Hey. It's me..." Wika ko habang nakaharap sa pinto. "We'll study together, right? Open up."

I knocked again.

"Bukas 'yan." Rinig kong wika ng tao sa loob.

Agad na pinihit ko ang door knob. I saw him sitting on the swivel chair in front of a computer. He's tapping his feet on the floor while typing at mukhang busy ito.

Tumikhim ako saka dahan-dahang naglakad papalapit rito.

Napahinto ito sa ginagawa. Dahan-dahang umikot ang kinauupuan nito at doon bumungad sa'kin ang napaka-seryoso nyang mukha.

Huminto ako ng magtagpo ang aming mga mata.

"Ahm... Hi." I smiled awkardly. Hindi ko kasi alam kung nasa mood ba sya o wala dahil wala akong emosyong makita rito. "How are you?"

His face remains stoic. Parang hindi manlang nakarinig, hindi rin sumagot. Is he having a bad day?

"Sit." Itinuro nito ang higaan saka ibinalik ang atensyon sa kompyuter.

"Thank you." I answered politely. "Kumusta kana pala? How's your wounds? And ahm... how do you feel right now?" Sana naman masagot nya ang sunod-sunod na mga tanong ko. I was just being concerned of his well-being dahil sa lala ng lagay nya kahapon.

Wala itong imik at patuloy lang sa ginagawa. I'm starting to feel the akward atmosphere.

"Hey, you said i'll be helping you right?" Patuloy na pakikipag-usap ko rito. "Where's your notes?"

"Fiancé huh?" Biglang wika nito na ikinagulat ko.

"Ano?"

"Hindi ka sumabay kanina sa service. You had fun hanging out with your fiancé, ni hindi ka rin nagrereply. Kaya pala ang tagal mong nakauwi." He clicked his tongue while looking straight to my face.

"Si Dale ba ang tinutukoy mo?" Nag-aalangang tanong ko.

"That scumbag? Absolutely yes."

Oh. So nakita nya pala ang paghatid sa'kin ni Dale pauwi kanina.

"Don't call him that!" Saway ko rito. "He's nice and kind. Alam kong may away kayo ng kaibigan ko pero tapos na 'yon."

"Who says i'm done with him?" Madiing pagkakasabi nito at matiim akong tinitigan. A stare that would make anyone feel conscious. But for me, I know he's just trying to intimidate me.

Countless Mistakes Where stories live. Discover now