Chapter 7

60 37 1
                                    

Masyadong mainit ang panahon ngayon.

Isang magandang simula ng araw ito para sa'kin. For me, the sunlight gives joy, energy, and positivity.

Sa tuwing tumatama ang liwanag nito sa balat ko ay pakiramdam ko nagiging masigla ang buong katawan ko. It simply washes away all the negativities around me.

"Pasok na 'ho kayo, Ma'am Heather." Dahan-dahang pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ni Manong Ralph.

"Salamat po." Magalang na tugon ko. Masayang pumasok ako sa loob ng sasakyang maghahatid sa'kin papuntang paaralan.

Dala-dala ko ang nga librong hiniram ko sa school library. Natapos ko nang basahin lahat ng 'yon kagabi. Wala naman akong ibang inaatupag sa kwarto ko pag-uwi kundi ang mag-aral ng mag-aral.

Sanay na ako sa gano'n. Hindi kagaya ng ibang mga batang kasing-edad ko na nagpapakasaya sa labas at nakikipag-bonding sa barkada.

I'm not a cellphone addict too. Wala lang talaga akong ibang priority ngayon kundi ang pag-aaral ko. Some people think that I can do anything I want dahil nanggaling ako sa mayamang pamilya. But no, lahat ng mga ginagawa ko ay alam ni Mom. Bantay-sarado ako kumbaga. She just wants me to study, and study, and study as hard as I can.

Hindi naman ako tumututol 'don. When I was a child, I always wished to be as free as dove. Pero ngayon nagbago na ang lahat. Sa dami ng nag-eexpect sa'kin, hindi ako dapat mabigo. Dumating pa nga sa point na nilulunod ko na ang sarili ko sa pag-aaral at kinalimutan nang unahin ang pansariling kasiyahan.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit sa iba. Pero normal lang 'yon sa mga taong katulad ko. Mas sinusunod ko parin naman ang utak ko kaysa sa kung anong gusto ng puso.

Pagkaupo ko sa loob ay agad na pumasok si Manong sa driver's seat. "Yong seatbelt nyo, Ma'am." Paalala nito sa'kin.

"Oh, I almost forgot." Mas mabuti nang laging handa.

Ikinabit ko ito sa katawan saka umupo ng maayos. Inilagay ko ang backpack sa gilid pati na ang mga libro para hindi malukot ang uniform ko sa byahe.

Hindi naman kalayuan ang school ko.

Matapos i-check ang mga side mirrors ay binuhay na nito ang makina ng sasakyan.

Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi parin kami umaalis. Nagtatakang tumingin ako sa repleksyon nito sa salamin.

"Ahm... may nakalimutan pa po ba tayo, Manong?"

"Wala naman, Ma'am." Agad na sagot nito. "Hinihintay ko lang po si Sir—"

Biglang bumukas ang pinto sa tabi ko.

It was none other than him, Raven.

Ang basa nitong buhok ay nakatabing sa mukha habang nakasuot ng uniporme at may dalang itim na backpack. Halatang bagong ligo.

"Hello." Bati ko kay Raven na ikinasimangot nito. Agad akong umusog papunta sa kabila para bigyan sya ng espasyong makaupo.

"Sir, pasok 'ho, para maka-alis na tayo." Nakangiting wika ni Manong pero hindi nya ito pinansin.

It's been two weeks since I last saw him. Palagi itong wala sa mansyon. Hindi narin ako nagtaka kung bakit ito kinokompronta ni Tito dahil hindi rin naman ito makikinig. Talagang mapupunta lang sa bulyawan ang usapan.

It's his first day of going to school after his suspension. It will be hard for him to keep up with the class. Imagine, na-missed mo ang two-weeks of lessons and lectures sa klase. Plus, hindi pa sya nagseseryoso sa pag-aaral.

Pagkapasok ay pasalampak itong umupo sa tabi ko. Muling binuhay ni Manong ang makina ng sasakyan saka pinaandar na ito.

Sa gitna ng byahe ay tahimik ang lahat.

Countless Mistakes Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang