3

332 21 0
                                    


Ang pagkawala ni Femi ay lubos na nagpabago sa mundo ng kanyang anak, na tanging ang hari at si Hamar lamang ang nakakaalam ng sinapit ng prinsesa ng Samaria.

Unti-unti nang nanghina ang kalusugan ng hari, tulad ng kandilang unti-unting nauupos. Nakabalik na rin sa palasyo si Reyna Meshkenet, at naipaalam na rin sa kanya ang nangyari kay Femi, ngunit walang emosyon ang makikita sa kanyang mukha. Bago pa tuluyang manghina ang hari, naipagkasundo na niya ang magiging asawa ng magiging tagapagmana ng imperyo, at ang napili ay si Nefertari.

Pinakasalan ni Nefertari ang bunsong kapatid, at hindi nagtagal pagkatapos nito, namatay na rin ang hari. Si Hamitha naman ay ikinasal sa kanyang kapatid na si Abbidon at nagkaroon sila ng sariling kaharian.

Dinapuan ng karamdaman ang reyna, at naging malubha ang kanyang sakit. Madalas siyang nakakulong sa kanyang silid at nanghihina. Ilang araw lang ang lumipas at pumanaw din ang reyna.

Sa edad na labimpito, ang imperyo ay nagkaroon ng bagong reyna, walang iba kundi si Nefertari. Nawala na rin ang harem; masyado pang bata ang hari at hindi napapanahon para magkaroon siya ng anak.
Kung noon ang bawat dugo at palahaw ay nagdadala ng kilabot, ang reyna ang unang lumalapit sa mga laban at tinatabas na parang damo ang mga kalaban na sumusugod sa kaniyang karwahe. Kinakatakutan si Nefertari ng mga kalaban at ginagalang ng kaniyang mga kawal.

Dahil bata pa ang hari at walang tagapagmana, naging mapanganib ang kasakiman sa palasyo. Maraming nagtangkang pumatay para sa kapangyarihan. Sadiyang hindi pinalad ang hari, namatay ito sa kagat ng ahas, maging ang kasunod na kapatid ay namatay din.

Kung noon ang bawat dugo at palahaw ay nagdadala ng kilabot, si Reyna Nefertari ang unang lumalapit sa mga laban, tinatabas ang mga kalaban na sumusugod sa kanyang karwahe na parang damo. Kinakatakutan si Nefertari ng mga kalaban at ginagalang ng kanyang mga kawal.

Dahil bata pa ang hari at walang tagapagmana, naging mapanganib ang kasakiman sa palasyo. Maraming nagtangkang pumatay para sa kapangyarihan. Hindi pinalad ang hari, namatay ito sa kagat ng ahas, at maging ang kasunod na kapatid ay namatay din.

Ang buong imperyo ay nasa kamay ng isang tao lamang, walang iba kundi si Reyna Nefertari. Kung hindi pinalad ang hari, marami ang nagtangkang pumatay sa reyna. Maraming alipin ang naparusahan nang subukang lasunin si Nefertari, may mga heneral din na nabitay bilang parusa sa pag-aaklas, at maging ang kapatid ng reyna ay nahatulan ng kamatayan sa plano ng pagpatay.

Marami ang naghangad na makuha ang imperyo, ngunit magiging matagumpay lamang kung mamamatay ang reyna. Kahit ilang beses napigilan ang mga plano ng pagpatay sa reyna, mayroon ding nagwagi. Nalason si Nefertari ngunit natalo ni Hamar ang kamatayan, naibalik niya ang buhay ng reyna.

Ang pagkawala ng ina ang naghatid ng matinding kalungkutan sa puso ni Nefertari; handa na rin siyang mamatay. Kailanman ay hindi siya naging masaya, dahil ang tanging tao na magiging masaya sa kanyang tagumpay ay tuluyan nang naglaho sa mundo.

+++++

Mataman niyang pinagmamasdan ang liwanag ng buwan habang nakaupo sa balkonahe.

"Mahal na reyna, nais kayong makausap ng dakilang pari na si Hamar at humihingi ng iyong pahintulot," pagbabalita ng kanyang alipin na si Esra, habang nakayuko ito at nakaluhod.

"Pinapahintulutan ko ang kanyang pagdating," tugon niya sa alipin. Tumayo si Nefertari, at pinapasok ng mga alipin ang dakilang pari.

Yumuko ang dakilang pari bilang pagpugay sa reyna at ngumiti, na sinuklian naman ni Nefertari. "Ikinatutuwa ko ang iyong pagdating, Hamar. Maaari ko bang malaman ang iyong hiling?"

"Mahal na reyna, maraming salamat sa iyong pagpapaunlak. Ako'y humihingi ng iyong patnubay sapagkat ako'y nangangamba sa dala kong balita." Yumuko ang pari at inabot ang isang rolyo ng papyrus. Binasa ni Nefertari ang nilalaman, walang nakitang emosyon sa kanyang mukha dahil nahulaan na niya ang gagawing pagtataksil ng iba pa niyang mga kapatid. "May banta ng digmaan laban sa aking kadugo na si Hamitha," walang anumang saad ni Nefertari.

Elydian QueenWhere stories live. Discover now