12

178 13 0
                                    


Luminga-linga si Aveline bago tumawid, tiningnan kung may dumadaang sasakyan, at tumakbo agad papunta sa kabilang kalsada habang nakatingin lang sa kaniya ang nakamotor. Tuluyang naging dalawa ang tinatanglawan ng malalamlam na ilaw ng poste.

Huminga ng malalim si Aveline at pinilit na ngumiti. Isinantabi na muna niya ang lungkot, pait, at sakit ng kalooban. Kailangan niyang maging manhid ulit para sa isang gabi at sa mga susunod pa.

"Hi pogi! Ako daw hanap mo?!" Salubong niya sa nakamotor at pinatong ang kamay sa balikat ng driver. Kailangan na niyang maging malambing, malandi, at masaya upang magkasundo sila sa presyo.

Pinakaayaw ni Aveline ang magdaldal sa kliyente, ngunit imposible naman na maging Maria Clara sa isang katulad niya. Dahilan para mas gugustuhin na lang niya ang bugaw na makipag-usap sa mga kliyente, ngunit sa sitwasyon niya ngayon, wala na siyang ibang maaasahan.

Hindi nagsasalita ang may-ari ng motor at nakaharap lang ang helmet kay Aveline. Ipinakita niya ang tatlong daliri bilang presyo. "Tatlong libo isang oras, kung dadalhin mo ako sa motel ikaw magbabayad at may extra charge kung gusto mo ng blow job." Nginitian din niya ng pagkatamis-tamis ang kliyente.

Hinaplos niya ang leeg ng driver. Napabuntong-hininga naman ito bilang tugon, tinapik ang upuan sa likod para umupo si Aveline. "Pumapayag ka ba sa presyo, Pogi?" tanong niya, naninigurado sa driver kung naiintindihan siya. Tumango ito at tinapik ulit ang upuan sa likuran.

Bago sumakay, biglang hinawakan ng driver ang braso ni Aveline, marahang nilagyan siya ng helmet, at hindi pa rin makita ni Aveline ang mukha nito. Binalewala niya ang ginawa nito, sumampa siya sa motor at niyakap ang kliyente. Naramdaman niya na malambot ang katawan nito, hindi na lang pinansin, sumandal na lang si Aveline sa balikat nito.

Umandar ng mabilis ang motor at hinayaan ni Aveline na dalhin siyang muli sa mundong nakasanayan. Sinalubong sila ng hangin at hinaplos ang kanilang mga mukha. Pinikit ni Aveline ang mga mata, niyakap ng mahigpit ang kliyente, at bumilis ang takbo ng motor.

Ilang minuto rin ang nakalipas nang makarating sila sa destinasyon, tumigil ang motor sa parking lot ng isang hotel. May mga nakaparadang mamahaling sasakyan gaya ng Ferrari, Lamborghini, Mustang, at BMW. Kahit sinong mapapadaan ay maglalaway sa napakagandang sasakyan ngunit hindi niya ito pinansin. Mas gugustuhin pa niyang matapos ang gabi para makauwi na agad. Problemado si Aveline sa sakayan pauwi kesa mamangha sa mga mamahaling sasakyan. Dinala siya ng driver sa isang mamahaling lugar kung saan napakataas ng nagkikislapang mga gusali at wala man lang naligaw na sidewalk vendors o magbabalut.

Karamihan sa mga taong naglalakad ay magagara ang mga damit at sports car ang mga sasakyan na dumaraan sa kalsada. Masyadong bago sa paningin niya. Bumaba ang driver, tinitigan pa si Aveline kung kayang bumaba dahil masiyadong maiikli at hapit ang suot nito.

Naunang pumunta ang driver sa elevator, suot pa rin ang itim na helmet. Hindi niya pinagtataka ang hitsura nito, dahil mas pinoproblema ni Aveline kung paano siya makakauwi.

Sabay silang nakarating sa elevator at pumasok. Pinindot ng driver ang button para sa penthouse. Kung may ibang taong makakakita sa kanila, maaaring matawa sila sa kasama ni Aveline, na hindi tinatanggal ang helmet at nagmumukhang black power ranger.

Hindi rin mapalis sa mukha ni Aveline ang pag-aalala. Lumalim ang gatla sa noo niya dahil kanina pa ito nakakunot. Problemado siya sa pag-uwi dahil walang naliligaw na dyip at bus. Ayaw sumakay ni Aveline ng taxi dahil mahal ang pamasahe at wala siyang nakitang traysikel.

Bumukas na ang elevator, sabay silang lumabas. Medyo nahilo si Aveline dahil tumigil ang elevator sa 50th floor. Inabot naman ng driver ang kamay ngunit binalewala ni Aveline. Gustong-gusto na niyang umuwi dahil kung pwede lang sanang tumanggi ay kanina pa niya ginawa. Malaking problema kay Aveline ang lugar dahil sanay siya sa mga mumurahing motel, lalo na kung paglabas ng gusali ay may dumaraang mga jeep.

Elydian QueenWhere stories live. Discover now