46

95 9 0
                                    

Sa pagmulat ni Aveline mula sa nakakasilaw na liwanag, dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Nasa loob ito ng isang silid na napakalawak, walang mga gamit at mistulang walang hanggan. Nabahiran ng pagtataka ang kaniyang mukha, tiningnan rin ang suot, lahat puti. Puting damit na pantaas at puting pantalon. Nakaupo siya sa sahig, nakapaa at mag-isa lang sa silid.

"Hello?" panimulang sambit nito. Umalingawngaw lang ang kaniyang boses. "Nasaan ako?"

Tumayo si Aveline, pakiramdam niya ay nasa loob ng kahon, lahat puti mula sa sahig, ding-ding at hindi matukoy kung hanggang saan ang pader.

[ "Brain activity. Commence." ]

Isang boses ang umalingawngaw sa loob ng silid. Narinig ni Aveline at nabahiran ng pagtataka ang mukha. "Sino ka? Nasaan ako?" sigaw nito. Umaasang may tutugon sa kaniyang tanong ngunit wala siyang narinig. Nagsimula siyang lumakad sa napakalawak na silid, mistulang walang hanggan ang kaniyang tinatahak.

Nakakita siya ng isang ilaw, kagaya ng isang gamu-gamo ay sinundan ni Aveline ang maliit na liwanag na nagmumula sa isang siwang. May isang maliit na pinto na natatanaw si Aveline, nagmamadali siyang tumakbo patungo sa pinto. Lakad-takbo ang ginawa nito, ang mga yabag ay umaalingawngaw at nakakabingi ang katahimikan. Huminga siya ng malalim, marahang inilapat ang kamay sa pinto, itinulak ang pintuan hanggang sa nasilaw si Aveline sa liwanag. Itinaas ang kaniyang kamay para itakip sa mga mata, sadyang napakaliwanag at tuluyan siyang lumabas.

Sinalubong si Aveline nang malakas na hangin at namangha sa nakita. Nasa loob siya ng kagubatan, patuloy na tinahak ni Aveline ang daan na nababalutan ng mga tuyong dahon at may mga ibong humuhuni sa paligid. "Wow, ang ganda." Nakangiting turan ni Aveline. May isang munting diwata ang lumipad sa harapan ng kaniyang mukha, may naiwang kumikislap na mga alikabok mula sa pak-pak nito.

Ang mga alaala ni Aveline simula ng pagkabata ay nabubuo sa kaniyang panaginip. Ang mga binuong pangarap na nakatago sa kaniyang isipan ay nagiging totoo sa kaniyang panaginip.

Tinitigan ni Aveline ang buwan sa ilog, parang naging tubig ito na umaagos papunta sa mga batuhan. Naisipan niya na tumawid sa kabilang sapa. Ang mga sanga ng kahoy ay nagsimulang yumuko at bumuo ng isang mahabang tulay. Bawat hakbang nito ay may sumasalong sanga sa kaniyang mga paa hanggang sa nakatawid na rin ito.

"Ano ang hinahanap mo?" Tanong ng isang ibon na nakadapo sa puno, mukhang adarna ito. Makulay ang mga pakpak at napakaganda ng boses. Sa bawat salitang binibigkas ay parang kumakanta, marahil ay isa sa mga nabasang kwento ni Aveline at nabuo sa kaniyang isipan.

"Nasaan ako?" tanong nito. Hindi na siya nagtataka sa mahiwagang lugar.

"Nandito ka sa paraiso. Ito ay kagubatan na pag-aari ni Reyna Vega. Matagal ka niyang hinihintay. Ikaw ay itinakdang mamuno sa kaharian ng Altair." Paliwanag ng ibon na mistulang kinakanta ang bawat salita.

"Ano ang nangyari sa aking kaharian?" Pagtatakang tanong ni Aveline at tuluyan nang nakalapit sa ibon.

"Napuksa ng mga halimaw na pinamumunuan ng may mga itim na simbolo. Ang simbolo ng kanilang itim na budhi ay sadyang nakakatakot. Humayo ka na Prinsesa. May panganib na paparating." Paalala ng ibon na may bahid ng pangamba sa boses nito. "Ako ay lilisan, hanapin mo ang bukal ng sapa. Sa dulo ay may kapangyarihan na magbibigay sayo ng isang pares ng pak-pak. Ang mahiwagang kabibe ang maglalahad ng sagot sa iyong mga agam-agam." Itinaas ng ibon ang tuka, tumingala sa langit at lumipad na ito.

May narinig si Aveline na kumakanta, nakakahalina at malamig ang awitin. May pinapahiwatig ang kanta na dinadala sa hangin.

🎶Halika, tanawin ang mundo na may ligaya. Tanggapin mo ang iyong tadhana.🎶

Elydian QueenWhere stories live. Discover now