24

127 9 0
                                    


Isang itim na sasakyan ang huminto sa tapat ng malaking simbahan. Bumaba ang driver ng itim na kotse at pinagbuksan ng pinto ang pasahero sa likuran. Lumabas si Margo, hinaplos ng malamig na hangin ang kanyang mukha.

Iginala ni Margo ang kanyang mga mata sa paligid; sa tapat ng simbahan, may malawak na daan, at may mga stalls sa gilid, gaya ng tindahan ng gulay, prutas, at mga bulaklak na nakahilera sa gilid ng kalsada. Malinis ang paligid at mukhang lugar sa Europa dahil sa mga lumang gusali na itinayo noong panahon ng Kastila.

Nagsiliparan ang mga ibon sa dako ng kampana, gawa naman sa kahoy ang malaking pinto ng simbahan. Sa tapat nito, may malaking rebulto ng anghel na nakatayo sa gitna ng fountain. Naglakad si Margo papunta sa simbahan. Lumipad ang mga nagkukumpulang kalapati nang dumaan siya.

Ang langit ay naging kulay pula dahil sa nalalapit na paglubog ng araw. May isang bulag na babae ang tumutugtog ng gitara malapit sa pinto ng simbahan, nasisinagan ang mukha ng sikat ng araw at hinaharana ang ihip ng hangin.

Nakatayo ang isang Kastilang madre malapit sa pinto, nakikitaan ng maputing buhok na nakatago sa belo, katamtaman ang taas at payat ang pangangatawan. Maamo ang kanyang mga mata at may ngiti na nakaukit sa labi habang papalapit si Margo.

"Buenas Tardes, Señorita Sinclair," [ "Good Afternoon, Miss Sinclair." ] magalang na pagbati ng madre. May diin ang bawat salita ngunit madaling maintindihan; ngumiti ito kay Margo at sinuklian naman ito.

"Cómo está, Hermana Clara? Estoy feliz de visitarla." ["How are you, Sister Clara? I'm happy to visit you."] magiliw na wika ni Margo.

"I'm glad you came, Miss Sinclair," iginiya siya ng madre na pumasok sa loob ng simbahan. Umalingawngaw ang kanilang mga yabag sa aspalto, makikita ang mga ibong lumilipad sa kisame, at ang bintanang salamin ay nasisinagan ng araw na lumilikha ng liwanag na kagaya ng spotlight.

"Kumusta ang kalagayan nila?" tanong ni Margo habang sabay silang naglalakad ni Sister Clara.

Ngumiti ang madre. "They are fine, Miss Sinclair. Nakalimutan na nila ang masasamang alaala, bumalik na sila sa pagiging bata at naging masaya," malugod na tugon nito.

Inaalagaan ni Sister Clara ang mga batang naging biktima ng abuso at karahasan. Pagkatapos mabura ang kanilang alaala, isa ang simbahan sa tumutulong na mabago ang kanilang buhay.

Matagal na rin kilala ni Sister Clara si Margo. Kagaya ni Dr. Howard, wala rin siyang alam tungkol sa tunay na pagkatao nito, ngunit hindi ito hadlang para pagkatiwalaan niya si Margo.

Sabay silang naglakad patungo sa hardin ng monasteryo at naupo sa isang bench.

"The children will be happy to see you... Señorita Sinclair," may diin ang tono ni Sister Clara nang magsalita ito sa Ingles.

"I won't be long, Sister Clara," nakangiting tugon ni Margo. Pareho nilang pinagmamasdan ang mga nagliliparang paru-paro sa hardin. Umihip ang napakabanayad na hangin at nagsipaglagasan ang mga tuyong dahon.

"The children that you are protecting, do you ever question the existence of God?" tanong niya sa alagad ng Diyos. Nakatingin si Margo sa mga munting dahon na dinuduyan ng hangin. "It saddens me, no matter how desperately I protect the beauty of the flowers from chaos, I cannot keep the dark clouds from coming," makahulugang pahayag ni Margo habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa hardin.

"Con el tiempo todo se consigue," banayad na tugon ng madre. Sandaling napabuntong-hininga ng malalim at ngumiti. "La esperanza le pertenece a la vida, es la vida misma defendiéndose."

"We must dream of hope. To stop dreaming and giving up is like admitting we can never change our fate," pagpapatuloy ni Sister Clara habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa hardin.

Elydian QueenWhere stories live. Discover now