9

183 14 0
                                    



Mukhang lantang gulay na bumagsak sa mga braso ni Margo ang katawan ng hubad na babae. Nakatulala pa rin si Margo, saglit na nakabalik sa realidad habang yakap-yakap pa rin niya ang babae.

Napakalambot ng katawan ng babae, parang may hawak siyang unan. Walang nagawa si Margo kundi buhatin ang babae at inilibot ang kanyang paningin. Matamang tiningnan niya ang sofa; ang sandalan lang ang may mantsa at hindi pa nababahiran ng dugo.

Malapit nang kumalat ang umaagos na dugo, ngunit bago pa mangyari, sinipa niya agad si Kobayashi sa likod ng ulo. Nagmukhang isang sakong bigas na natumba si Kobayashi, at bumagsak ang buong katawan sa sahig. Marahang pinahiga ni Margo ang babae sa sofa, agad siyang lumabas ng silid, pumunta sa kabilang kwarto para maghanap ng kumot, at tinakpan ang katawan ng babae habang iniiwasan ni Margo na titigan ito.

Naupo siya sa tabi at hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha ng natutulog na babae. "Who are you?" bulong niya, "Why do you keep on stealing kisses from me?" mahinang sambit ni Margo. Bumuntong-hininga siya pagkatapos mag-isip ng plano. "I can't leave you here... if I do, another mafia will get you. Dahil ikaw lang ang natirang buhay." Bakit nga ba kinakausap niya ito? Kaya napangiti na lang si Margo.

Iginala ni Margo ang paningin sa paligid at nagbago ang plano. Binuhat niya ang katawan ng babae at dinala sa loob ng sasakyan, isinandal malapit sa driver's seat habang nakabalot ang kalahating katawan sa kumot.

Hinanap niya ang kotse ni Salvador at hindi siya nabigo. Nakita niya ang isang pulang kotse sa garahe, na hindi rin naka-lock. Hinanap niya ang gamit ng babae at natagpuan ito sa passenger seat ng kotse. Sinimulan niyang suotan ng blusa ang natutulog na babae; parang napapaso, binilisan ni Margo ang pagbibihis. Inilagay niya ang kumot sa ibaba upang matakpan ang bikini, dahil hindi niya maisuotan ng pantalon ang babae mula sa pagkakaupo.

Hindi nag-aksaya ng oras si Margo. Bumalik siya sa rest house na may dalang isang pares ng baril at ipinatong muna ang sub-machine gun sa ibabaw ng mesa. Sinimulan niyang ilabas ang isang Hapones mula sa kwarto at hinila rin ang katawan ni Salvador, na nag-iiwan ng duguang marka sa sahig. Isa-isa niyang pinahawak ang mga bangkay ng baril.

Ang isang hapones na ginilitan niya ng leeg, gamit ang silencer, pinaulanan ng bala sa dibdib at nagmukhang damit na sinampay ang katawan sa balustre.

Ang hapones na inilabas sa kwarto, pinahawakan niya ng baril, ilang beses na pinaputok at tinaniman ni Margo ng mga bala sa dibdib. Habang si Salvador ay hinatak niya palabas ng bahay at inilagay sa compartment ng kotse. "I'll take care of you tomorrow." Huling paalam niya sa bangkay ni Salvador at tuluyang pinagsarhan ng compartment.

Bumalik si Margo sa loob ng bahay, pumasok ulit sa kwarto, sinunog ang karton na pinaglagyan sa babae at kinuha ang cellphone ng isang pinoy. Kailangan mabura ang ebidensiya ng mga texts na may kinalaman sa babae. Nakaupo si Margo sa sofa habang umiinom ng scotch, nagdekwatrong nakaupo at malayang pinagmasdan ang nasusunog na kahon.

Tumayo na rin ito, ubos na rin ang scotch. Kasabay nang umiikot na disco ball, kinuha niya ang dalawang submachine guns o uzis na nakapatong sa mesa. "Happy New Year." Isang nakaaakit na boses ang binitawan niya sabay pinaputok ang baril. Habang umiikot ay malayang pinapaulanan ng mga bala ang lugar, sunod-sunod na mga bala ang lumabas at napakabilis. Mukhang nagdidilig lang si Margo sa buong paligid. Walang humpay na usok ang binubuga ng uzi, mabilis na kumikislap ang bukana gaya ng flash ng kamera at kasing ingay ng bagong taon ang tunog.

Ikinasa ni Margo ang submachine guns at nagpalit ng bala. Kagaya ng isang hardin ang mga nakahandusay na bangkay naman ang diniligan ng bala. Nasira ang dapat masira, nahulog ang dapat mahulog, nabasag na ang mga dapat mabasag at natibag na rin ang dapat matibag.

Elydian QueenWhere stories live. Discover now