29

140 10 1
                                    

Matiyagang nakatayo si Aveline at naghihintay sa pagdating ng kanilang guro. Dumating na rin ang kanilang hinihintay. Ang kanilang guro ay isang pranses na nagtuturo sa unibersidad, balingkinitan ang pangangatawan at mala-abo ang kulay ng mga mata. May sarili rin itong restoran at kilala sa larangan ng pagluluto. Pumasok ang kanilang guro na nakasuot ng unipormeng puti.

"Okay class, roll up your sleeves and let's begin!" May tono ang kaniyang boses sa pagiging pranses ngunit madaling maintindihan ang ingles at tagalog nito.

Siya ay kilala sa tawag na Mrs. Poulain, may pagka-istrikto at seryosong guro. Sa utos ni Mrs. Poulain, itinaas ng anim na estudyante ang manggas ng suot na uniporme bilang simula nang pagluluto. Bawat estudyante ay may sariling pwesto, malawak ang kusina, meron sariling mga lababo at iba't ibang sangkap sa pagluluto.

"Today you will create a dish that defines you. A type of food that you will create with love!" pahayag ng guro. Ikinukumpas niya ang kaniyang kamay tuwing nagsasalita.

Naglakad si Mrs. Poulain, isa-isang inobserbahan ang mga estudyante na naging abala sa paghahanda ng sangkap.

Naging ritmo ang ingay ng mga kutsilyo na lumalapat sa chopping board. Ang tunog ng iba't ibang uri ng paghiwa ay parang awit, may manipis, makapal, maikli at mahaba. Napagpasiyahan ni Aveline na magluto ng sopas. Bawat sangkap ay may natatanging kahulugan. Una niyang hinugasan ang sariwang kamatis, dumadaloy ang tubig sa ibabaw nito, ang makinis na balat ay banayad hinaplos ang kaniyang palad. Kasabay nang paglatag niya ng kamatis at isang beses na pagkurap ng kaniyang mga mata, sumabay si Aveline sa ritmo na nagmumula sa loob ng silid. Pumailandit ang katas ng kamatis nang hiniwa ito, napakagandang tingnan, mistulang nektar na may kakaibang tamis.

Iba't ibang usok at amoy ang nalalanghap sa lood ng kusina, lahat ay mabango sa pang-amoy ni Aveline.

"Cooking is a child's play for all of us. If it's done with care...it portrays love!" masiglang pahayag ni Mrs. Poulain. "Cut the beef lengthwise...it will simmer more," utos niya sa isang estudyante sabay napapitik ng daliri.

"Put a little more cinnamon in a pan," sambit nito nang mapadaan sa isang estudyante, nagluluto ito ng kakaibang putahe na may karne, patatas at sibuyas. Isang uri ng lutuin na tinatawag na Mediterranean dish sa ingles.

"Less salt, use butter instead." Patuloy ni Mrs. Poulain sabay na itinuro ang gagamitin na sangkap na nasa harapan ng estudyante.

"Aveline, try to stir the pan and lower the fire." Wika niya kay Aveline habang nakatingin sa stove. Yumuko ang guro para pagmasdan ang apoy.

Nang may nahagip ang mata nito at napabulalas, "Miss Saoirse Havisham! Oh! No! That is not the right way to peel the garlic!" Napakumpas ng kamay si Mrs. Poulain sa pagkadismaya. Kinuha ang bawang na hawak ng estudyante at dismayado sa nakita.

"Please treat your garlic with respect. Don't burn it. Use the flat of your knife blade if you like, or you should try roasting it. It has a mellower and sweeter aroma," sermon nito. Ibinalik ang hawak na bawang sa estudyante habang napakamot naman sa ulo ang isa.

Nagsalubong ang mga mata ng magkaklase na sina Saoirse at Aveline at sabay na ngumiti.

Mas naging mabango sa ilong ni Aveline ang nalanghap na amoy. Nakakatakam ang bango ng butter, maging ang amoy ng nililitsong manok ay nakakagutom at may nalalanghap din na cinnamon at vanilla na nanunuot sa pang-amoy.

Sunod na hiniwa ni Aveline ang sibuyas, bahagyang tumama sa kaniyang mata ang katas dahilan para siya ay maluha ngunit hindi niya inalintana.

Gaya nang nakikita sa telebisyon. Napakagandang pagmasdan ang bawat paggulong ng mga gulay at paghaplos ng tubig sa mga sangkap. Ang usok na kumakalat sa kusina ay may kakaibang bango na hinahaplos ang diwa. Humalik ang usok sa pisngi ni Aveline, dinala siya sa ibang mundo nang niluluto ang sopas at may naalala ito.

Elydian QueenWhere stories live. Discover now