52

95 6 0
                                    

"Maayos na ba ang pakiramdam niyo?" magalang na ng tanong ng madre sa pasyente. Nakakahiga si Sybil at hawak ang kaniyang gitara.

"I'm fine...thank you Sister Sophia," malugod na pasasalamat ng matandang bulag. Isang kastilang nakatira sa monasteryo at kasalukuyang nakaratay sa hospital na malapit sa kumbento. Naiintindihan nito ang tagalog ngunit mahiyain si Sybil.

Ngumiti si Sophia. "Kumain ka na para lumakas ka." Sinubuan niya ng pagkain ang matanda, ngumiti si Sybil at malugod na kumain.

"I'm already weak but I'm not tired to the wind, " sambit ni Sybil sa mahinang boses. Umihip ang hangin mula sa bintana. Sumayaw ang puting kurtina sa loob ng silid. Idinako ng matandang bulag ang ulo sa direksyon ng bintana, nararamdaman niya ang paghaplos ng hangin sa kaniyang hapis na mukha.

Pinunasan ng madre ang labi ng matanda. "Naalala mo ba ang iyong tahanan?" Madalas ikuwento ni Sybil ang kaniyang lugar at naging buhay. Isang ngiti ang sumilay sa kulubot na labi ni Sybil at ipinikit ang kaniyang mga mata.

"I don't own a home. I fell in love and was broken ever since."

"Kailanman ay hindi ko narinig na nagsalita ka ng masama sa iyong minahal," pahayag ni Sophia. Sinubuan niya ulit ang matandang bulag.

Huminga nang malalim si Sybil at pinagpatuloy pa rin ang pagbabalik tanaw habang nakapikit ang mga mata. "It's love, Sister Sophia. You let them get away even if you suffer inside. That's how you love the uncertainties, it gives you sorrow, it's like you let him escape from murder, even if he killed you already."

"Do you know what it's like to love?" tanong nito habang nakapikit ang mga mata.

"H-hindi ko alam?" may pagtatakang tanong ng madre.

Pumasok ulit ang banayad na hangin, nabuklat ang mga pahina ng libro sa ibabaw ng mesa at sumayaw ang mga kurtinang puti. Inapuhap ni Sybil ang kaniyang gitara at marahang hinaplos. "Sister Sophia, people are cowards to happiness, it takes courage to hold on to it."

Pinunasan na lang ni Sophia ang pisngi ni Sybil. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," nakangiting pahayag nito.

"Do you know what it's like to love who is capable of hurting you?" malumanay na tanong ng matanda. Animo'y may sariling mundo si Sybil sa kaniyang mga tanong. Hindi maiwasang maguluhan si Sophia sa ipinupukol na mga katanungan at pinili na lang makinig.

"There is another sort of love that is not a fairy tale. You can fall for the monster. Taking that kind of love, that person can make you gasp from the tempting lips. Burn you from the slightest touch. Are you willing to settle for the unknown, Sister Sophia?" isang katanungan ang binitawan nito. Sandaling nabalot ang katahimikan sa loob ng kwarto.

Biglang dumagundong ang kampana ng simbahan at narinig sa loob ng silid. Hudyat para sa pagsisimula ng misa. "K-kailangan ko na umalis, Sybil," paalam ni Sophia. Inalintana niya ang katanungan dahil hindi rin niya alam ang nararapat na sagot. Tumango ang matanda bilang tugon. Tumayo na si Sophia at tinahak ang pinto palabas.

Narinig ni Sybil ang marahang paglapat ng pintuan, sa kaniyang inaantok na mga mata bumulong ito bago tuluyang tinalo ng antok, "Ella miro a sus demonios, cayo por lo mismo que pensabas que le temen." [ "She looked at your demons; she fell for the very thing you thought she feared." ]

Tahimik na nakaupo ang mga madre sa loob na silid, kasama na si Sister Sophia na nakaupo sa unahan. Bahagi na ang pag-aaral sa loob ng monasteryo ang dumalo at makinig sa pagtuturo ng kumbento. Ang mga madre na nakatira sa monasteryo ang naatasan magturo sa mga baguhang madre. Karamihan na mga madre ay kastila na piniling ialay ang bokasyon sa Pilipinas.

Elydian QueenWhere stories live. Discover now