Chapter 38

347 8 0
                                    

Chapter 38

I stood up when I just got to go to Andrey's house. I've been drinking a lot last night but I can still manage to attend the party and house blessing na din. Andrey is Tyrill's cousin, Anne's ex, and a good friend too. Last month lang yata kami pormal na nagkausap pero dati ko na siyang kilala dahil kinukwento siya sakin ni Anne noong magkasama kami. Anne loved him but Anne loves Tyrill more. Love is really weird and I think I finally understand it.

Nagdrive na ako papunta sa bahay nila and thanks to Tyrill, he sent the location. Nandon din daw si Anne kasama siya kaya kailangan kong pumunta, besides nandon din ang dalawa ko pang kaibigan, Narry and Layne. Wala na akong magagawa kundi ang sumama na lang sa mga lakad nila. Wala naman na din akong pinagkakaabalahan kundi ang mag-inom at magpunta na lang sa bar gabi-gabi and today is the last time I get to bond with them. I wanna see Kara. I wanted her so bad.

Nang nakarating ako ay binati ko agad sila Drey, Narry, at Layne na nasa garden ng bahay habang nagtatawanan at nagkwekwentuhan.

"Wow! This is the hot baddass!" Drey tap his hand on my shoulder.

"Gago hindi! Siya yong mysterious drunk na kakilala ko." At tumawa si Narry habang siniko ko siya.

"Mysterious drunk your ass." Baling ko kay Narry.

"'Yan naman pakilala mo sa girls sa bar kagabi, right?" Humalakhak pa siya tsaka tumawa sila Layne.

"Hey!" Napukaw ang atensyon namin kay Tyrill na ngayo'y papalapit.

"Ow, the career dad." Bati ko tsaka siya tinapik.

"Ano na naman kalokohan mo Narry?" Tinapik niya naman si Narry.

"Wala po master." Tsaka tumawa ito at sumaludo pa kay Tyrill. Tyrill gritted his teeth at ngumiti sakin.

"How are you dude? Heard you're drunk last night. Inuwi ka daw ni Layne sa condo mo."

Tinignan ko ng masama si Layne. I told Layne not to tell to Tyrill kasi kapag nalaman ni Tyrill na nag-iinom ako ay sasabihin niya kay Anne which is Anne will say to Kara. Damn it Layne.

"I'm fine. All fine." Tipid kong sagot.

"So, let's start the event then. Mukhang naiinip na yata ang mga bisita." Pag-iiba ni Drey ng usapan.

Tumango kaming lahat. Isa-isa silang umalis at nagpa-iwan na lang muna ako dito sa gilid. Medyo nahihilo pa kasi ako since last night hindi pa ako makatulog kakaisip sa sinabi ni Sam sa akin.

Kumuha na lang ako ng wine na inililibot ng waiter tsaka naupo sa gilid. I observe people around until I saw Anne. She's glancing at me as if I did something wrong or she's been worried at me. I don't know, I can't read her mind.

Nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-inom ng wine hanggang sa hindi ko na mapigilan dahil kausap niya si Drey. Medyo matagal na din kasi kaming hindi nakakapag-usap ni Anne. I tried to act natural and playful.

Natahimik silang dalawa sa kwentuhan nang paparating na ako. Ngumiti ako at binati si Anne.

"Hi, Suzanne." I greeted and hug her. I felt that she hugs me back pero kumalas siya agad.

"Akala ko hindi mo na ako papansinin." She said at ngumiti ng may pag-aalala sa akin.

Natawa ako. "That's wrong! Hindi ako papayag. Okay, sorry if I disturbed you. I'm going." Ngumiti pa ako pagkatapos at nakaisip ako ng kapilyuhan dahil sobrang pagtataka na ang mukha ni Anne sa inaakto ko kaya I leaned down na sobrang lapit na ng mukha ko sa kanya.

Untold Chase [Completed] - Executive Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon