Chapter 3

1.3K 19 3
                                    

Chapter 3

"Finn! Finn!"

Tinakluban ko ang tenga ko sa naririnig kong katok mula sa main door ng unit ko. Napaka-istorbo naman nito. Ang aga-aga pupunta dito.

"Finn! Open the door! It's Kara!"

Mas lalo kong tinakluban ang tenga ko at mas nairita pa nang malaman kung sino ang nakatok.

"Finn?! Ano ba?! Bubuksan mo o hindi?!" Tuloy-tuloy lang ang katok niya sa pinto ng unit ko.

Sige sirain mo para ikaw na ipambayad ko at mawala ka na sa buhay ko! Nakakainis, e. Dumating ba siya sa buhay ko para lang mang-inis?

"Okay, I'm so sick of knocking this damn door!" Pasigaw niyang sabi at huling kinatok ang pinto.

May narinig akong kumalabog sa labas.

Hay, sana naman umalis na siya. Ayoko pang bumangon, e. Ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover.

Kagabi kasi tumakas lang ako kay Kara para makapag-bar nga kami ni Narry. Bar na bar na nga si Narry pati din naman ako kaya ayon konting kanta ko lang sa stage kagabi sa bar ayan na at kinuha na naman ang number ko ng mga babae tapos pinainom nila ako ng Bacardi. Tangina ang lakas pa din ng tama non sa akin kahit pangatlo ko na siyang na-try na inumin. Ang lakas talaga ng alak na 'yon kahit hinaluan ko pa ng apple juice. Sobrang sakit ng ulo ko ngayon.

Si Narry na ang nag-drive sa akin dito pauwi sa condo kasi lasing na lasing talaga ako. Hindi nga ako nakakama, e, kasi sa sobrang kalasingan. I'm so wasted last night.

Nalingat ako sandali at dinilat ng konti ang mata. Natawa ako sa hitsura ko kasi dito pala ako nilagay ni Narry sa couch hindi sa kwarto ko. Tinamad na din siguro 'yon o di kaya may amats na din. Ang saya palang mag-bar kahit kaming dalawa lang.

Pumikit ulit ako para bumalik sa pagtulog. Kahit gustuhin ko mang bumangon, matutumba at mahihilo lang ako. Parang lasing pa nga ako, e. Istorbo kasi si Kara, ang aga-aga nambubulabog.

Maya-maya ay narinig kong nagbukas ang main door ng unit ko at may mga yapak na papalapit sa akin.

"Look at you! You look like you're fucking wasted."

Wow! May accent!

Hindi ko pinansin ang nagsalita at nakatakip pa din ang mga braso ko sa mukha ko diretso sa tenga habang nakataas ang paa ko sa sandalan ng couch.

"Kung ano-anong ginagawa mo sa buhay. Ano? Gigising ka ba o hindi? Tumayo ka na diyan!" Pasigaw pang sabi.

Narinig ko namang lumapit siya konti at tinapik ako sa mukha. Inalis ko naman ang braso ko sa mukha kahit pa nakapikit pa din ako.

I just can't wake my whole body. My head is aching.

"Aba hindi ka gumigising, a!" Pasigaw niya ulit na sabi at lumayo na sa kinaroroonan ko. Narinig kong naglakad siya palayo. Ewan ko kung saan pumunta.

Nakapikit pa din ako at ninamnam ang pagbalik ng tulog.

Bigla naman akong nakaramdam ng sobrang lamig na binuhos sa mukha ko. Tangina! Ano 'to?!

"Aaarrgh!" Sigaw ko at napadilat.

Ikaw ba namang buhusan ng napakalamig na nagyeyelo pa yatang tubig.

"Ayan! Dapat ganyan! See? Nagising kita." Humalakhak siya.

Naupo ako sa couch sa sobrang lamig basa na din ang damit ko.

"Bakit ba nandito ka?! Anong kailangan mo?!" Irita ko nang tanong.

Halos umiikot pa din ang paningin ko, ang ulo ko pumipintig sa sakit kaya napahawak na lang ako sa batok ko.

Untold Chase [Completed] - Executive Series #2Where stories live. Discover now