Chapter 14

653 11 1
                                    

Chapter 14

"Finn..." Umiling ako.

I saw his beautiful eyes filled with unexplained feelings. His jaw clenched when I look at him. Kumunot ang noo niya sa akin habang hinihintay ang isasagot ko sa mga sinabi niyang mas nakapanggulo sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung tama na gusto ko siyang yakapin sa tindi ng sensasyon na pinaparamdam niya pero alam kong mali ito.

"I don't feel anything..." I lied.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at mabilis na umalis sa harapan niya para makalabas sa kwartong ito at makawala sa sensasyon na pinaparamdam niya.

Naglakad ako palabas ng kwarto at sinara agad ang pinto pero natigil muna ako dito.

Nalilito at naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Gulong-gulo na ako lalo na sa mga sinabi niya kanina. Hindi tama ito.

Bago pa siya lumabas ng kwarto ay umalis na ako doon at bumaba. Mabilis akong nagpunta sa pool kung saan nagkukulitan pa din ang mga pinsan ko at nakikisama naman si Lewy.

Napansin naman nila ako at tinawag nila agad pero humindi muna ako at kinuha ang champagne glass ko tsaka nilagyan ng natitirang tequilla dito. Mabilis ko itong ininom at inubos kaya nagulat sila sa ginawa ko.

"You okay, Kar? What happened lately?" Tanong agad ni Wendy nang makita ang ginawa kong pag-ubos ng alak.

"Oo nga Ate. Nawala kayo bigla ni Kuya Finn. Anyare?" Sunod na tanong ni Hailey.

"Guys, leave them alone. Sibling talks." Singit naman ni Sam at makahulugang tumingin sa akin.

Kinilabutan ako sa tingin niya. May alam kaya siya sa iniisip at nararamdaman ko even kay Finn?

Ayoko munang isipin ang lahat gusto ko munang huminga.

Nag-thumbs up na lang ako sa kanila at ngumiti.

"That's it? Okay ka lang ba talaga? Magsalita ka naman." Sigaw pa ni Wendy since medyo malayo ako sa pool.

"Oo nga! I'm so fine. Don't worry about me." Sagot ko na lang at nagsalin ulit ng alak sa baso ko tsaka uminom ulit.

Maybe drinking hard will help me forget this feeling.

Nakita kong kumunot ang noo ni Lewy at umahon sa pool tsaka lumapit sa akin at kinuha ang bote ng tequilla na nasa kamay ko na handa kong ibuhos ulit sa baso pero pinigilan niya.

"Don't drink too much."

I just look at him and smirk.

"Why? I wanna get drunk." I insist.

"It's not healthy, Kara. It can damage your health." Inilayo niya ang alak pero pilit kong kinukuha ito sa kanya.

"Lewy, I know what I'm doing. Give it to me!" Tumaas na ang boses ko.

"I'm not. Please, Kara." Pakiusap niya.

Hindi ako natinag at tuluyan ko na ngang nabawi ang alak mula sa kamay niya at mabilis akong nagsalin sa baso tsaka ininom ito.

"See? I know what I'm doing Lewy." Ngumiti pa ako sa kanya. "Why don't you join me?"

Naupo ako at kinuha ang isang upuan para maupo din siya dito. Naupo naman siya at tinitigan lang ako ng seryoso.

"I would love joining you but I don't drink. Uuwi pa kasi ako." Sagot niya nang makaupo na.

"Yeah," Wala akong masabi at kinuha ang alak tsaka nagsalin ulit, this time ubos na siya.

Untold Chase [Completed] - Executive Series #2Where stories live. Discover now