Chapter 13

658 12 2
                                    

Chapter 13

Mabilis akong hinila ni Finn papunta sa garden kung saan nandoon ang tables pati na din ang set ng dinner namin. Hindi na ako makapagsalita dahil sa namumuong kaba at bilis ng tibok ng puso ko.

"Fuck!" He cursed.

Mura siya nang mura nang tinatahak namin ang daan papunta sa garden habang naiwan naman namin sina Sam at Lewy doon sa living room. Halos hindi ko malingon si Lewy kanina sa pangyayari. I admit mali siya sa ginawa niya sa akin.

Nakarating na kami dito sa garden at nakita naman kami ni Hailey na ngayo'y gulat ang mukha. Hawak-hawak kasi ni Finn ang palapulsohan ko habang hinihila niya ako.

"Kuya, Ate what happened? Nag-aaway na naman ba kayo?" Nagtatakang tanong ni Hailey.

Finn just shrug at hinila ang isang upuan. "Stay here." Mariin niyang sabi at pinaupo ako doon.

Tahimik lang kami ni Hailey at aalis na sana siya pero hinawakan ko muna siya sa kamay at tumingala para makausap ko siya. "Please don't make a scene, Finn. Nakakahiya kay Lewy." I beg.

Tinignan niya ang nakahawak kong kamay sa kanya at binawi niya agad ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

"Nahihiya ka pa sa kanya? Come on Kara, did he potioned you kaya ka nagkakaganyan kahit ginanon ka na?" Singhal niya sa akin.

"Kuya what do you mean ganon and ganyan? What is happening?" Singit ni Hailey at lumapit na sa amin.

"It's nothing, Hailey." Sagot ko na lang dito pero ganoon pa din ang mukha niya sa pagkataka.

Hindi na sumagot si Finn at mabilis na umalis at babalik yata sa living room kung saan nandoon pa din si Lewy.

All this time parang gusto kong sumabog sa nararamdaman ko, may part na nagugustuhan ko ang paghihigpit niya sa akin at pagprotekta niya sa akin at may part na hindi. I don't understand my feelings anymore.

Hindi na ako umimik kasi alam kong madaming tanong si Hailey dahil nga sa madaldal ito.

Makalipas ang ilang minuto ay magkakasunod na dinala ni Wendy ang mga pagkain namin. Nakabihis na din ito. Tinulungan na lang namin siyang magdala ng mga pagkain ni Hailey since wala naman kaming ginagawa dito.

"You didn't mention na dito pala gaganapin ang dinner sa garden." I say and pinunasan ko ang pawis kong tumulo sa mula sa noo.

Ngumiti sa akin si Hailey at natigil si Wendy sa kaaayos ng mga plates.

"Yes Ate, mas maganda nga dito eh kasi tabi tayo ng pool." Masiyahing sabi ni Hailey.

"Yes, kaya it's time na magbihis ka na kasi baka mamaya maligo ka ng 'di oras sa pool." Humalakhak pa si Wendy.

Pinakatitigan ko nga sila at nakabihis nga sila ng pang-ilalim na two-piece.

"Night swimming?" I ask since I don't figure it out.

"Yes Kar."

"Yes Ate."

Sabay nilang sabi at tumawa pa.

Umiling na lang ako sa kung ano mang trip nila.

"Magbihis ka na. Ano pang hinihintay mo?" Wendy pushed me inside the house kaya wala akong nagawa kundi ang sundin na lang ang gusto niya.

Nadaanan namin si Sam at Lewy na nanonood pa din. Nagkatitigan kami ni Lewy pero bigla niyang iniwas ang tingin niya sa akin.

"Guys ready na ang dinner sa garden. Punta na kayo doon." Wika ni Wendy sa kanila.

Untold Chase [Completed] - Executive Series #2Where stories live. Discover now