Chapter 20

578 12 1
                                    

Chapter 20

Hindi na ako makagalaw pagkatapos magsalita ni Finn. Papalit-palit ang tingin nila sa aming dalawa.

I gasp to break the silence when I heard Narry laughed.

"Seriously? Of course she loves you 'cause you're his brother! May bago pa ba don?" Says Narry while laughing.

Natawa din si Anne at napangiti si Tyrill at Layne.

"Meron, dude. They're not arguing anymore." Dagdag naman ni Layne habang umiiling na natatawa.

Gumaan naman ang pakiramdam ko kasi hindi nila sineryoso 'yong sinabi ni Finn. Si Finn naman kasi e. Ang daming sasabihin, ganoon pa.

"Happy?" Naiinis na tanong ni Finn kay Narry at mas lalo itong natawa sa kanya.

I faked a laugh too para hindi nila malaman na kinabahan ako doon. I saw Anne smiled at me and nod.

"We're happy for the both of you, Finn." Baling ni Anne sa kanya at ngumiti naman siya dito.

Bakit parang merong meaning 'yong pagkakasabi ni Anne sa kanya? Does she knows about us?

"Thanks. I'll take care of her." Nakangiti at nakatingin sa akin si Finn nang sinasabi niya ito. Napayuko naman ako kasi parang anytime sasabog na ang puso ko sa halo-halong emosyon.

"Dapat lang, dude." Sang-ayon naman ni Layne sa kanya.

I wonder how Layne as a brother. Siguro napakabait niyang kuya sa kapatid niya. I never seen his sister before but I know her.

"Alright, let's move on." I heard Tyrill and he stood up.

Tumayo na din sila at inalalayan pa ni Tyrill si Anne na makatayo.

Natapos ang Sunday namin ng puno ng bonding. Boys will be boys, they played their PS5 samantalang kami naman ni Anne ay nagkwentuhan na lang hanggang sa makatulog siya na katabi ako.

Hapon na din nang makauwi kami ni Finn. Tahimik lang kami sa byahe. We're tired for the day kahit na puro kwentuhan lang ang ginawa namin at sila ay puro laro lang. Akalain mo parang mga teenager pa.

"Hay salamat at mabuti nakabalik na kayo dito. Kanina pa namin kayo hinihintay." Bungad agad ni Wendy nang kakapasok lang namin sa loob at niyakap ako pati si Finn.

"Wendy," bati ko at niyakap siya pabalik.

Pansin ko na magulo pa din ang bahay at halatang nandito pa din ang mga Elarde kong pinsan. Wala naman akong magagawa besides si dad ang nagpatuloy sa kanila dito. Mas maganda na din para makabonding ko sila.

"Dude!" Napatingin ako kay Sam at Finn na nag-high five.

Dumiretso ako sa dining at sumunod si Wendy sa akin. Nakita ko naman si Finn na sinundan ako ng tingin.

"Saan ba kayo galing? Ginabi naman na yata kayo." Tanong ni Wendy at naupo sa dining chair at pumalumbaba.

"Anne's cabin. Bonding lang." Sagot ko habang kumukuha ng maiinom na tubig sa ref.

"Akala ko naman kung saan ka na dinala ni Finn."

Nabulunan ako sa sinabi niya.

"Uy! Okay ka lang?" Tanong niya agad nang maubo ako at nag-thumbs up lang ako sa kanya.

"Hinay-hinay lang kasi." She said while patting my back.

"Wendy I'm okay."

Inalalayan niya akong maupo at pagkaupo ko ay biglang sumulpot si Finn sa pinto at nilapitan kami agad.

Untold Chase [Completed] - Executive Series #2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora