Chapter 4

1K 24 2
                                    

Chapter 4

"Finn, stop it." Parang nawala na ang lakas sa boses niya at pabulong na lang.

I don't know what I'm doing too.

"Phew!" Pinitik ko ang noo niya para mawala ang temp ko na halikan siya at tumawa kaya naitulak niya ako.

This is awkward. Alam ko na na-awkward din ang nararamdaman niya kasi halata sa mukha niya na naiinis siya sa pang-iinis ko. 

As if namang hahalikan ko siya, for pete's sake kapatid ko siya, even though she's just my step-sister kapatid ko pa din siya, 'yon at 'yon lang Finn. Nothing more. 

"Siraulo ka talaga, Finn." Naiinis na sabi niya at papalabas na ng kwarto. "Next time 'wag mo nang gagawin 'yon ang manghalik sa labi kapag nagpapakilala."

Bigla akong nagtaka sa mga sinabi niya. 

Tangina ano ba 'tong sinasabi niya? Don't tell me na nagseselos siya?

"Bakit ba ayaw mo? Anong mali don?"

Nilingon niya ako ulit at nilapitan. 'Yong mukha niya namumula na tapos 'yong mata niyang brown nagiging dark. I don't know pero mukha siyang iritable. Well, lagi naman pagdating sakin.

"Mali? Ikaw ang mali!"

"Bakit ka ba nagagalit?" Tinaasan ko na din siya ng boses.

Here we go again world war 109. Tss.

"Hindi ako nagagalit, dapat ginagawa mo lang 'yon sa babaeng mahal mo."

Umikot pa ang mata niya habang sinasabi 'yon.

"Wag mo nga akong diktahan, Kara. It's my way of introducing myself. Nagawa ko na nga din 'yon kay Anne, e."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "Even Anne?! Ano na lang sinabi ni Mr. Lohan sayo?!"

"Wag ka ngang tsismosa. Tropa ko 'yon kaya wala lang. Alam niya na ganon ako kapag nagpapakilala. Gets?"

Nagsimula na ulit akong mag-ayos ng mga damit ko sa closet.

"Tsk. Basta 'wag mo nang gagawin ulit 'yon. That's it." Umirap pa siya sa akin at nagsimula nang maglakad palabas.

Hindi na ako makikipagtalo. Ganyan naman ang mga babae, gusto nila lagi sila ang panalo. That's why I don't have a girlfriend, ang hirap nilang intindihin, e. Buti pa kapag nasw kama sila, nagkakaintindihan kami kung anong gusto nilang marating kaya hanggang kama lang ako.

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay bumaba ako sa dining room para maghanap ng pagkain. Nagugutom kasi ako, hindi din ako nag-almusal. Malamang aatakihin na naman ako ng acid reflux ko.

Naghanap ako ng makakain sa ref. Meron namang tuna pasta doon tapos lasagna. Nagsimula na akong initin sa oven nang biglang pumasok sa loob si Kara na may dala-dalang mga nakabox na ewan ko ba kung ano 'yon.

"What are you doing?" Naiirita na naman niyang tanong.

"Ah, siguro naglalaro. Wow! Ang ganda naman ng laruan na 'to." Sarkastiko kong sabi sa kanya na mas kinainis niya.

"Tss. 'Wag ka nang kakain ng mga galing sa ref baka sira na," Nilapag niya ang mga boxes sa dining table. "Here, I ordered from the restaurant for our lunch." She said opening the boxes.

Well, atleast she's concerned to me.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa mga sinabi niya.

Tangina Finn. Gago ang demonyong nararamdaman kong ito.

Hindi ako tanga para hindi maintindihan itong nararamdaman ko. Mali ito kaya dapat maaga pa lang mapigilan ko na. Gago, e. Demonyo.

"Anong tinatanga mo dyan? Come on, let's eat." Yaya niya sa akin na nakapagpagising mula sa mga iniisip ko.

Untold Chase [Completed] - Executive Series #2Kde žijí příběhy. Začni objevovat