Chapter 16

638 12 1
                                    

Chapter 16

Mabilis akong naligo at nagbihis kahit pa may konti pa din akong hangover kasi nandito na nga ang mga pinsan ko at nasa living room na sila.

Hindi ko muna pinansin ang mga nararamdaman ko kasi alam kong maghahanda pa kami nila Wendy para sa gaganaping Welcome Party mamaya. Mabuti na lang daw ay nakapag-hire kami ng event organizers which is si Hailey ang source kasi siya naman itong palakaibigan sa amin.

Lumabas na ako sa shower room para magbihis na at parang nawala din ang sakit ng ulo ko pagkatapos kong naligo. Wala na dito si Finn o si Wendy. I remember the scene lately nang makita kami ni Wendy sa ganoong posisyon, tumayo din naman si Finn agad sa kama ko at umalis na parang walang nangyari tsaka niya binilinan si Wendy na tignan muna ako. Namamangha ako sa kinikilos niya, the way he hides his feelings in front of our cousins is way too much for me. I can't take hiding mine forever.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Narinig ko agad ang mga usapan ng pinsan ko na malalakas ang boses at ang mga tawa nila.

Nang nakarating ako sa living room at guest room ay nahati ang mga pinsan ko, ang mga boys ay nasa living room habang naglalaro nga sa PS5 habang ang mga girls naman na mga pinsan ko ay nasa guest room at nanonood sa Netflix.

Napatingin silang lahat sa akin nang magpakita ako sa kanila and I greeted them all. Medyo kilala ko naman ang iba sa mga pinsan ko at medyo close din kaso talaga ngayon lang ulit kami nagkita-kita or baka sila ay nagkikita na at ako lang ay hindi since nasa ibang bansa ako dati.

"Oh my gosh! You look stunning talaga Kara!" Ani isang second cousin ko at kinuha ang phone niya at may ginawa doon.

"Yeah, I can't believe we have a Victoria's Secret model. You're an angel Kara. Kaya pala proud na proud sayo si Tito Hayne e." Sabi naman ni Gella, one of my second cousin too.

"You're making me blush. Ano ba kayo?" I laugh.

Gusto ko ding makisama sa kanila. Sobrang dami ko kasing 2nd cousin at hindi ko alam kung medyo kilala ko pa ang iba kasi sa mukha ko na lang kinikilala. I have 5 boys and 6 girls second cousins, iba pa sina Wendy na 1st cousins ko. Tuwing may gathering talaga ang Elarde ay dito nila ginaganap sa mansion ni dad.

Magpinsan si dad at ang mga dad ng mga 2nd cousins ko. We are all Elarde. May apat akong tito which is pinsan ni dad at ama ng mga nandito na 2nd cousin ko. Malawak ang lahi ng Elarde at kilala sila sa place nila since mayaman at masasabing may kapangyarihan sila.

"Wait," Nagulat ako nang nilabas ni Lory ang phone niya at binuksan ang camera. "Let's take a selfie para naman may picture din kami sayo 'cause you're a model."

Wala na akong nagawa kundi ngumiti na lang sa front cam kasama sila. Mababait din naman sila at madaling pakisamahan.

"Ang ganda-ganda mo talaga. No wonder why Tito Hayne is very proud of you. Bukod sa maganda ka na, matangkad pa, matalino at may lahi pa." Bati ulit sa akin ni Lory.

Tinapik ko siya sa balikat at ngumiti, "Baka mamaya malaki na ang ulo ko nito ha." Biro ko at tumawa. Natawa din sila.

Nakita ko naman si Wendy mula sa guest room at lumabas siya doon at lumapit sa akin.

"Let's prepare?" Aya niya.

Kahit pa naiilang ako sa kung ano mang nakita niya kanina sa amin ni Finn ay makikisama pa din ako kasi siya lang naman ang medyo ka-close ko sa lahat ng mga pinsan ko.

"Yeah," Tumango ako.

Nagpaalam na kami sa dalawa para mag-prepare sa party since sila naman ang bisita at kami ang mag-aasikaso sa kanila.

Untold Chase [Completed] - Executive Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon