Chapter 42

17 8 0
                                    




Sapphire

"Okay ka na?"Enyo asked and I nodded while drinking the water she gave me.

"May kilala ka bang–"

"Sapphire, I know who might did it to you,"Enyo cut me off kaya napatingin ako sa kanya.

She knew?!

"Sino?"

"It's Culic's parents. I saw them on my way to your house. Kakababa lang ng mama ni Culic mula sa puno tangan ang isang crossbow. Nang makita ko ang pana na tumama sa laptop mo, nagkahinala na agad ako,"kwento niya.

"Kung ganon, naglalaro din sila?We need to tell this to Ms. Freya!They can help us investigate–"

Enyo cut me off again. "No. Please no,"

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?Gusto mong manahimik nalang tayo at hayaan sila?"naiinis na ako. Ang dami nang buhay ang nasira ng pesteng game na yan! Si Sakura...namatay siyang may galit sa akin. Ang pinsan ko at ang bestfriend ko nakapatay. Ngayon wala na si Shiro.

Ang daming inosenteng buhay ang nawala at nasayang! Hindi na kami pwedeng manahimik!

"Gusto mo bang may ibang madamay sa laro?!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses ni Enyo. "A-Anong ibig mong sabihin..." I trailed. Ayoko malaman ang sagot but I feel like I should know it.

"Sapphire...hindi kasali ang ate ni Sakura sa game,"

"But Sakura said she keeps on telling about the link!"

"Dahil may nalaman siya! She should've silenced herself but she chose not to. Ngayon..."

"H-How did you know those?"

She smiled. "No matter what happens please trust me. I'm your only friend here,"

Trust...Enyo?Bruha, umpisa palang pinagkakatiwalaan na kita.

The Link[COMPLETED]Where stories live. Discover now