Chapter 45

11 7 0
                                    



Sapphire

"Enyo? Bakit ka nandito?"oo nag-uusap kami ni Yen nang makita ko si Enyo sa gilid ko. Babaitang to kung saan saan sumusulpot.

"Sapph... Sapphire,"grabe sigurong tinakbo nito kasi hingal na hingal. Palibhasa kakagaling lang nung paa niya noong nakaraang linggo kaya ayan inaabuso na naman.

"Pano mo nalaman na nandito ako?"tanong ko.

"Hindi...hindi na mahalaga yun. May kailangan kayong malaman,"sabi niya kaya nagkatinginan kami ni couz saka binalik ang tingin kay Enyo.

"Ano?"tanong ni couz.

"W-Wanted na tayo sa pulis...ang mga tao behind the link...pinakalat nila ang video kung saan ginagawa natin ang mga tasks!"

Nagulat ako nang biglang napatayo si Yen. "Hindi pwede yan!Pano nila magagawa sa akin to!Hindi yan pwede!"

"Couz kalma. Saka na tayo mag-usap pagkatapos...tayong maghanap ng mapagtataguan,"sabi ko.

"Sa ngayon sa bahay muna tayo,"sabi ni Enyo kaya tumango ako. Pero ang nasa isip-isip ko...

Kailangan kong makausap si Ms. Freya.

The Link[COMPLETED]Where stories live. Discover now