Epilogue

16 5 0
                                    

Freya

Kinabukasan ng umaga, natanggap ko lahat ng impormasyon na kailangan ko mula kay Sapphire. Matagal na siguro niyang sinusubukang i-hack ang system ng game pero hindi niya nagawa. Thankfully, she still managed to get some informations that will pin the suspects in this case.

And that's her own aunt and her husband. Kasama din pala ang tatay niya.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras, matapos kong basahin ito, pinadala ko ito sa pulis na umaasikaso ng katulad ng kasong hawak ko. Nagmadali agad silang gumawa ng arrest warrant at nagpatawag ng mga back-up papunta sa sinasabing kompanya.

Sinubukan kong kontakin si Sapphire pero hindi siya sumasagot sa tawag ko. Kinabahan ako dahil sa sinabi ni Sheirra, na balak patayin ni Shiro si Sapphire.

Hindi matetrace ang number nito dahil hindi naman sumasagot si Sapphire kaya pumunta muna ako sa kompanya na tinutukoy niya. Nagtanong tanong ako at may isang tao na nakita ang tatlong babae: isang mailwoman, pizza girl at mukhang nagooffice na pumasok sa isang kotse. Nang ipa-describe ko ito, napagalaman kong sina Sapphire nga ang tinutukoy niya.

Agad akong pumunta sa baranggay para makita ang cctvs ng oras na tinukoy ng witness.

Mabuti nalang nakunan ang camera hanggang sa harapan ng gubat.

Ang sabi ng kapitan ng baranggay, may lumang facility daw sa pusod ng gubat. Baka doon ko daw makita ang hinahanap ko.

Nagpasama ako sa ilang tanod habang nagpupunta sa nasabing gubat. Habang naglalakad papasok, nakita ko ang isang umaapoy na sasakyan. Hindi ko makilala ang tao sa loob ng sasakyan dahil natupok ito kasama. Agad naman itong dinaluhan ng ilang tanod samantalang nagpatuloy ako sa paglalakad.

Halos kalahating oras bago namin narating ang nasabing facility. At mukhang nahuli na nga ako dahil sa eksenang naabutan ko.

Agad na tiningnan ang pulso nila Sapphire at ng kaibigan niya. Pero si Sapphire nalang ang meron. Kahit na ganoon, nanganganib ang buhay niya dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya.

Agad tumawag ng ambulansya ang mga tanod at limang minuto lang ang nakalipas, nakarating na sila.

Unfortunately, I didn't save her.

----

Agad kong tinabi ang pictures nila Sapphire at lahat ng ebidensya sa isang kahon. Finally this case is solved. Ito yata ang pinakamalaking kaso na nahawakan ko so far.

Sa ngayon, nakakulong ang mag-asawa at lahat ng nagtatrabaho sa nasabing kompanya. Malabong makalaya ang mga ito dahil sa patong patong na kaso sa kanila. Dumami pa ang lumapit at naghain nang maipresenta ang mga tao behind the link.

Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko habang itinatabi ang kahong magpapaalala sa akin ng kasong kumitil ng buhay ng madaming tao.

Finally, tapos na ang lahat.

"How's crazy bitch for an act?"nanlaki ang mata ko sa boses na nasa likod ko. Nilingon ko ito at nakita ang ngising namumutawi sa bibig nito.

"You forgot something. Lima ang hitmen diba? Unfortunately, you won't ever catch me,"

After that I heard a gunshot and then everything went black.

----

Kat's Note: what a ride! Salamat po sa mga nagbasa at pasensya na sa lahat ng mali, di ko na nabalikan haha. Salamat din sa lahat lahat ng nagpahiram ng names. I'll leave it like this, kayo ng humusga ano ang susunod na mangyayari.

Im planning on making 2 special chaps then after that I'll start my new story. Salamat sa lahat ng nagbasa, nagvote at nagcomment. Sana po basahin niyo ang iba ko pang gawa. Salamat!

Kat out, whoosh~

The Link[COMPLETED]Where stories live. Discover now