Chapter 51

8 5 0
                                    

Sapphire

"Nandito na tayo,"sabi ni Ate Fairah saka tumigil na sa napili naming spot sa parking lot. Finally, kanina pa ako natatakam kainin itong white pizza e.

Unang lumabas ng sasakyan si couz habang nakasuot ng pang mailman saka madaling nakapasok sa establishment. Sumunod si Enyo na naka formal attire.

"Good luck Sapphire,"sabi ni Ate kaya tumango ako saka lumabas na.

"Miss, kailangan mo?"tanong ng guard so I smiled sweetly.

"May nag-order ng pizza from CEOs office daw, sir,"sabi ko.

"Ako na magdadala,"sabi ng guard. Sheesh

"May kailangan pong pirmahan bago niya po matanggap ang pizza,"palusot ko.

"Ako na pipirma,"

"So ikaw din magbabayad sa akin?Hindi po pwede,"sabi ko. Naiinis na talaga ako sa guard na to ah. Ang bilis nakapasok nila Enyo tapos ako, ang daming tanong.

"Sige na nga, pasok,"sabi niya kaya pumasok na ako. Mabilis akong naglakad papuntang kanan sa tapat ng elevator. Kabisado namin ito ni couz since dumadalaw kami dito noon.

"Tagal mo naman,"reklamo ni Yen nang lumapit ako sa kanila.

"Siraulo yung guard, daming tanong,"sabi ko saka bumukas ang elevator. Pumasok naman kami sa loob saka pinindot ni couz ang 7 tapos sumara na ito.

Waa, can't hold this anymore! Binuksan ko ang box ng pizza saka kinuha ang isang slice. Nagtataka naman akong tiningnan ng dalawa.

"Why?We need energy di ba?"

The Link[COMPLETED]Where stories live. Discover now