Chapter 56

6 4 0
                                    

Freya

Three days ago...

"Hi. Im Freya Nike Mendez. I am the private detective hired by Ms. Stella Moon to investigate this case. Can I know what's happening?"saad ko habang hawak hawak ang detective badge na meron ako. Walang nagawa ang mga pulis kung hindi sabihin sa akin ang nangyari.

"Isa sa mga nakulong dito, si Shiro Niji, na tumakas ay napagalaman naming patay na. Pero may nakapagsabi sa aming ordinaryong abo lang ang nilagay doon,"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tinanong namin ang pamilya pero ang sabi nila, ni hindi nila nakita ang pagcremate ng katawan nito. Pinaghihinalaan namin na baka kasama siya sa link na tinutukoy ng ibang suspek na namamatay,"

Link?Kung ganon ay may nalalaman na sila? "Ano nang alam niyo tungkol sa link?"

"Wala pa dahil lahat ng nagsusumbong dito namamatay agad. Ang totoo may isa pang natitira sa kanila,"

"Sino?"

"Si Sheirra Flavio,"

The Link[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon