Chapter 47

11 7 0
                                    


Sapphire

"Ambaho ng pwet mo couz. Naghugas ka ba?"bulong ko habang pinipilit huminga kahit nadadaganan na ng pwet ni Yen ang mukha ko.

"Gago ka couz, nahiya naman kilikili ni Enyo sa pwet ko,"sabi naman ni Yen na hindi ko makita dahil nasa taas ko siya.

"Manahimik kayo. Pag tayo nahuli..." sabi naman ni Enyo. Wala akong makita kasi ang dilim. Nandito kasi kami sa likod ng sasakyan, yung lagayan ng gamit tapos tinakpan pa kami ng itim na plastic.

Struggle is real myghad.

"Uhm hi officers!"natahimik kami ng marinig si Ate Fairah mula sa driver's seat. Sinadya niya talagang lakasan para marinig namin.

"Sir, pwede po bang magbayad nalang ako o ano?Inaatake ho kasi ako ng allergies, kailangan ko na pong pumunta sa ospital,"

"Oh bakit ikaw pa nagdadrive?"

"W-Wala po kasi akong kasama. Please officers, maya maya, hindi na ako makakahinga,"

Nakarinig kami ng katahimikan bigla. Baka sinisilip na ng pulis ang sasakyan. Sana hindi kami makita! *cross fingers*

"Wala namang iba sa sasakyan mo. Sige na miss,"

"Salamat po,"saka muling umandar ang sasakyan.

"Wala na bang check point ate?"tanong ni Enyo.

"Wala na. Saglit lang hahanap ako ng pagtitigilan,"

Finally!Makakahinga na din ng maayos!

The Link[COMPLETED]Where stories live. Discover now